Alam nyo ba bakit madaming Pilipino ang walang bank accounts? Bukod sa walang pera, mga bangko pinahihirapan ang would be depositors. A thread.
May fresh gradute. Magaapply pa lang ng trabaho. Thinking of going the online/remote assistant/analyst job. So magoopen sya ng bank account. Nagbigay ng student ID o kung ano mang ID. Pinahirapan at ayaw ibigay ang ATM dahil wala daw SSS at TIN. Kung hindi ba naman kabobohan...
Pandemic, mga ateh. Mahirap magapply ng kahit ano ngayon. Staggered ang working hours o days sa mga govt agencies na ito. Syempre si fresh grad wala siya nito.
So ano, forever nyo ihohold yung ATM ng bata? Syempre wala din sya maipakita na job contract o tax returns. Kasi nga magaapply pa lang o kukuha ng raket. Kelangan lang nya ng bank acct para dun madeposit bayad from raket.

Anong bangko ito? BDO.
Sinabihan ko na sya magopen na lang ng online bank account para eKYC na lang. Eh kaso nasimulan na nya daw eh.

So bat ganun, BDO? Deposits are used di ba for your lending business? Bakit kelangan pahirapan ang depositor?
Ok let's talk about financial inclusion. That's just 🤷🏻‍♀️. Fintech should be the way to go. But then again have you guys tried doing mobile banking sa probinsya na pahirapan makakuha ng 4G signal? Ilang beses nangyayari sa kin na maglilipat ako ng funds tapos mapuputol konseksyon
Sa almost 15 yrs ko na pagcocover ng mga bangko and now fintechs, parang andaling sabihin na oo financial inclusion etc. Let's have the stats: 77.4% of PH population walang bank accounts sabi ng BSP in their 2017 Financial Inclusion Survey.
Alala ko may nainterview ako sabi nya ang hirap magapply ng bank account dahil wala daw syang PHP 2.5k na minimum to open one. Masyadong mabigat para sa isang minimum wage worker.
Tapos sasamahan mo pa yan ng problemang wala silang ITR dahil envelope-style ang swelduhan sa kanila, prevalent ito sa construction.
Idagdag mo pa dyan yung matataray na bank officers na parang ikaw pa ang nagmamakaawa mabigyan ng bank account. Like this kid I'm talking about. Sinisindak daw sya. Imagine kung isa ka lang na stall owner sa palengke o magsasaka na maraming ipon gusto mo itago pera mo
Babalik ka pa ba sa bangko para magbukas ng savings account? Di bale na lang, ihuhulog ko na lang sa paluwagan. Toink! It sounds like a joke but it happens all the time.
Tanong nyo kay @MickBasa who has a lot to share about this.
At iba pa yung kwentong nawawala ang remittance. Mga mahigit na isang linggo yun ha, di ba @MickBasa?
Anyway, financial inclusion. Salamat sa G-Cash at Paymaya may e-money accounts na mga tao. But, there's a big but. Kelangan mo ng cellphone. At mobile signal. In many areas of the country wala nito. Alala ko magpapadala ko ng sweldo sa mga dating yaya ko sa Samar.
Ipapadala pa, paabot. Kukunin sa landlord ng pamilya nila sa bayan. Ang pamasahe papunta sa bayan ay mga P 200, kasi parang tricycle lang ata yun galing bundok papunta sa bayan. Hindi kaya ito ng Paymaya o G-Cash. Ang payout centers ay nasa bayan.
Minsan may nakasabay ako sa LBC. Tatanggap sya ng remittance. Hindi nainform si branch na dun papatak ang remittance so bale walang cash na ganung kalaki yung branch. Galit na galit yung kukuha, hindi nya maintindihan bakit ganun, remittance center nga sila.
Syempre ang remittance, electronic transaction yan, hindi physically natatransmit agad ang pera. Pero hindi naman aware si Aleng Rosing o Mamg Kardo na ganon.
May isang fintech event ako na napakinggan ko ang pitch ng True Money na ang value proposition nila is they can tap into sari-sari stores as touch points. Sabi ko teka parang Smart Money lang yan, nagawa na yan nung early 2000s.
But then sa lahat ng fintech na napakinggan ko o nainterview ko, ang common denominator nila is kulang ang touch points para maging truly vehicles sila ng financial inclusion. So babalik tayo dun sa bangko. Madaming pera sa branch ng bangko. Perfect touch point for them.
Pero iikot na naman tayo.

Correction, *true vehicles. Ang hirap magtweet. Haha
Dahil banking reporter ako, I tried a lot of these e-wallets (Coins, Paymaya, GrabPay), online banks (EON, yung card pwede mo bilhin sa 7-11, UnionBank), traditional banks, remittance services (Western Union, Transferwise, Xoom << meron pa ba nito?, Paypal)
Para lang alam ko kung anu ano yung pinagsusulat ko at ano yung services ng mga iniinterview ko. Common denominator: kulang sa touchpoints.
I tried depositing/loading my Coins, Paymaya or EON through 7-11 (for journalistic purposes). Sira or offline madalas yung mga kiosks. Nung naging available yung cash in ng Paymaya sa cashier sa 7-11 mejo mas naging mas madali. Pero dun sa iba 🤷🏻‍♀️
Ang susi siguro ay gawing mini bangko ang mga sari-sari stores. Parang may nabasa ako sa FINTQ report na case study na ganyan. Ewan ko kung pano yan sa buong Pilipinas. Sa Indonesia may logistics company na ginagawang drop off and pick up points ang mom and pop stores. Di nya...
...kelangan ng brick and mortar branches. Ang branch nya ay yung sari-sari stores, yan ay according sa storya na inedit ko a few years ago.
Yung isa namang sinulat ko a few months ago, mom and pop stores din ang ginagawang "swap" points para sa battery packs ng e-bikes for rent nila sa India.
Point is, sari-sari stores talaga ang center ng social life and commerce sa mga barrio, kahit sa ibang bansa. Kaya sila na lang ang gawing mini-bangko. Mas approachable para sa mga minimum wage earners, farmers, home makers, tindera sa palengke.
Ewan ko. Frustrated talaga ako sa mga bangko dito. Hahaha.
You can follow @likhacuevas.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: