Hindi sa nananakot ako. Pero sa totoo lang, bilang Surgery Resident, kung ako nagkaroon ng appendicitis ngayon, saan ako pupunta? Kung pupunta ako kung saan ako pumapasok ngayon, kailangan may PCR result ako within 14 days para maoperahan sa OR.
Kung wala, kailangan ko magkaroon ng kwarto bago ako pwede ma-operahan at sa COVID/unknown status OR ako gagawin. Paano kung walang kwarto? Maghihintay ako sa ER kasama ng mga COVID positive/probable/suspect. Paano kung doon ako mahawaan ng COVID? Paano kung sarado ang ER?
Non-operative management, sige. Paano kung complicated, at hindi kayanin at kailangan talaga operahan? Hindi ko alam. At kahit na-operahan na ako't lahat, paano kung may COVID pala ako? Ang mortality rate na dating hindi umaabot sa 1%, ngayon baka 23% pa.
Kaya pag ako nagkaron ng appendicitis, hindi ko alam. Surgery Resident na ako niyan. Appendicitis pa lang yan. Tumigas lang tae mo at nabarahan ung appendix, pwede nang mangyari sayo. Paano ung mga may cancer emergency? Mga nagdidialysis? Mga inatake sa puso? Mga nastroke?
Nakakagalit diba? Nangyari na ito nung March, hindi pa tayo natuto. Pinanood lang nating tumaas araw-araw ung mga kaso? Mag-aantay na lang tayo ng bakuna? Diba wala nang pera? Ubos na ung inutang na 388,000,000,000? Saan pupulutin ung pambili ng bakuna?
Lahat sana ito naiwasan, kung hindi naging willfully negligent or plain evil ung mga nasa posisyon. Ung binayaran nating mamuno para gawan ito ng paraan. Sana hindi na kailangan ikaw pa mismo ang apektado bago mamulat mga mata mo. Vicarious learning. Empathy. Libre yan.
Inooperahan naman kahit walang swab, sa COVID positive/unknown OR. Pero nagkaron ng kaso, matapos ang operasyon, nasa same OR room (na siya na ring recovery room) lang hanggang sa nadischarge dahil walang bakante sa COVID floors. https://twitter.com/mstwilyt/status/1291207653553831936
Hindi pwede sa nonCOVID floors dahil wala pang negative swab.

Dahil per hour ang singil sa recovery room, at araw-araw at least tatlong set ng full PPE ang nagagamit, ang bill ay naging x3-5 ng pre-pandemic price.

At walang ibang maoperahang emergency habang andun siya.
Medyo nakaka-insulto personally ung sinabi niya, na para bang wala kaming sariling mga mata at isip para makita at maunawaan ang mga nangyayari sa bansa ngayon, na para bang nagsasalita kami dahil kami ay “ginagamit.” He must apologize to healthcare workers. https://twitter.com/enconado_m/status/1291213204018745345
Admitted patients & watchers are being asked to get tested, but the funding doesn't become the problem of the chief of 🏨, but of the patient & their relatives. Our institution does not have its own lab, so the testing is more expensive since we have to send it somewhere else. https://twitter.com/ecgrhythms/status/1291218875174985728
You can follow @drtonianne.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: