Alam ba nila kung ilang pasyente ang nakikiusap ng "Dok, sa January na lang ako magpapaopera/magpapagamot kasi ubos na ang PhilHealth ko..."?
Sila ba ang nagpapaliwanag sa mga bantay at kapamilya ng "Nanay/Tatay, hanggang diyan lang po ang coverage ng PhilHealth. May pandagdag pa po ba kayo para ipambili ng mga gamot at ipambayad sa mga lab tests?"
Alam kaya nila kung gaano kalungkot ang mga asawa at anak tuwing malalaman nilang hindi approved ang PhilHealth claims dahil lang nagmintis ng iisang buwan ang contribution?
Paano na lang ang mga pasyente naming umaasang makapagpa-admit sa PhilHealth ward dahil iyon lang ang kaya nilang pag-ipunan para sa mga mahal nila sa buhay? (Malaking tipid iyon sa kanila, kasi parang private ward, pero walang singil ang PF.)
Kakaunti na nga lang ang tulong ng gobyerno sa mga pasyenteng Pilipino, NANAKAWIN NIYO PA?!
You can follow @ronibats.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: