To the person who's reading this.

a thread;
Pakiramdam mo ba'y nalulungkot ka?
Nag-iisa ka?
Walang nandiyan para sa'yo?
Walang may pakialam sa'yo?

Huwag kang mag-isip ng gan'yan.

Naiisip mo lang 'yan kasi siguro wala ka lang magawa sa ngayon o sadyang namo-mood drop ka kapag ganitong oras.
"You are loved. You are worth it."

Maraming taong nagmamahal sa'yo.

Mga kaibigan mo, pamilya mo, kamag-anakan mo, mahal ka nila.

Siguro minsan, sa mga kaibigan mo, pakiramdam mo wala silang pakialam kasi hindi sila nagpaparamdam o wala ng paramdam sa'yo, pero hindi 'yan.
As we grow older kasi, mas nale-lessen na yung time natin sa ibang tao like mas naglalaan na tayo ng oras para sa sarili natin.

Kaya may mga tao talagang akala natin wala na talagang pakialam sa'tin kasi hindi na sila tulad ng dati na mas may time pa sa atin, ganoon.
"Hindi man sila palaging nandiyan para sa'yo, mahalaga ka pa rin sa kanila."

Huwag mong isipin na porket para bang hindi ka na nakukumusta o nakakausap, hindi ka na importante sa kanila.

Sadyang busy lang sila sa personal life nila, ganoon.
May times nga lang na nakakalungkot, yung tipong kapag sobrang kailangan mo ng taong nandiyan tas walang nandiyan para i-cheer ka at mapakalma ka pero wala eh,

hindi naman sa lahat ng oras, nandiyan sila.

Swerte mo na lang kung palagi silang nandiyan.
"You are enough."

May taong dadating at aalis rin kinalaunan.
May taong dadating at mananatili habangbuhay.

Dalawa lang naman ang uri ng taong dumadating sa'tin, aalis at magsstay.
Kung pakiramdam mo, parati kang iniiwan kahit ginagawa mo naman best mo to make them stay, don't blame yourself.

Minsan talaga hindi maiiwasang sisihin ang sarili lalo na kung pakiramdam mo para bang sunud-sunod ka na lang tinatalikuran.
Kasi ganito 'yun, kung may mali o pagkukulang ka naman, sasabihin nila sa'yo 'yun.

Kung may ayaw sila sa'yo, ico-confront ka nila, hindi ka agad tatalikuran.

Syempre kung totoo talaga sila sa'yo, they'd give you a chance if ever na ganoon nga.
Kung iiwan ka, wala eh, iiwan ka talaga.

Pero hindi ibig sabihin noon, malelessen o hindi ka na mahalaga o sapat.

Sapat ka.

You. are. enough.
Huwag kang magfocus sa mga taong nawawala sa'yo, magfocus ka sa mga taong nandiyan pa rin para sa'yo despite of your flaws and imperfections.

Sila yung mga taong sobrang tanggap ka at totoo sa'yo.

Kaya cheer up na, huwag ka ng malungkot.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: