Hi.

I can't believe I /have/ to drop this one.

Please read.
Trigger warning, just in case.
I may be one person and my voice may just be an echo, but you know what? Screw it. I have to set things straight even if it'll just affect one single person. Nababahala na talaga ako especially since September 2 is just a month away.

Ganito nalang ba lagi tayo?
Araw-araw nalang?
I refused to talk directly about the underlying problems going around the fandom mainly because there are a lot more innocent fans out there plus this account is followed by the staff, friends, and family of the boys, and there are instances that the boys themselves too.
But--this better be over.

I'm not a perfect fan and might have offended someone from the past or in this particular thread. This isn't directly to anyone, however, but to you, who's reading this, to me, to every single A'TIN out there supporting the boys online.
Cyberbullying is something the world feared back when the internet is starting. Quite a shame that it is becoming rampant as social media evolves. Cases of suicide rise ranging from all sorts of people. Ganto na ba ang henerasyon ngayon? Ang pag-udyok sa iba na humantong sa dulo?
My "Mystic Pop-Up Form" is something I'm reading before I sleep. Sadly, halos lahat puro kalungkutan sa buhay na mas pinabibigat pag dumaraan sila sa stan twt. Imbis na maging sandalan ang isa't-isa, nagiging mas mahirap huminga, bakit tayo nagiging preso sa sarili nating mundo?
Lahat naman ng tao problematic, ako, problematic rin ako at matampuhin, ayaw kong magmarunong kasi lahat naman tayo may dinadala sa buhay. Pero po sana pairalin po yung positive side natin, kahit respeto lang sa sarili. Sino ba naman kasing gaganun satin kung di natin magawa?
Ayokong sabihing "magiging okay ang lahat." Sino ba ako, diba? Mas maganda kung tayo magsasabi nyan sa sarili natin, na "okay lang yan." Magsimula sa sarili, fill yourself with love kasi kung di pa puno yan, maghahanap ka ng affirmation sa iba na baka sa maling paraan mo gawin.
Sabi nga ni Jericho Arceo (fave vlogger, he has the best, inspiring, and faith-filled words, please do look him up), gusto natin ng instant gratification, yung mabilisang nakakamit ang gusto kasi sabagay, nagiging mas convenient na ang mga bagay ngayon di tulad ng dati.
Learn the process. Di porket gusto natin mangyari dapat agad-agaran. Kung hindi ka naniniwala na may plano si God sa tamang panahon, isipin mo nalang na ang madaling makuha ay madaling mawala. Parang sa love life, lonely lang ba tayo o ready na?
Ang oras hindi hinahabol at di tayo hinahabol ng oras. Tumatanda tayo at maraming namamatay bawat minuto, oo, pero gawin natin yung alam nating kaya natin, wag nating pilitin kapag hindi na kaya. Magkaiba kasi pag pinipilit mong magbukas ng pinto sa paghahanap ng ibang labasan
Lagi tayong kumukuda na iba ang henerasyon natin sa nauna sa atin pero ginagawa ba nating mas maganda? Yung oras na pagsibak ng kahoy dati na ngayon pinangttweet nalang natin, sinasayang natin para sa ikasasama ng iba?
Mas maganda sa feeling kapat tugma ang lahat ng bagay at natural na nangyayari, di ba? Yung di pilit? Pinilit ka ba ng mundo i-stan ang SB19? Dumating nalang tayo sa point na iniidolo na natin sila, diba? Bumitaw ba tayo?
Syempre, ayokong pilitin na maging "malinis" ang fandom, pero sana sa mga susunod na araw ay (di sa "bumalik sa dati" dahil paano na yung mga baguhan) maging mas maganda pa kaysa sa nakaraang taon ang kinabukasan. Let's not repeat history, wag natin ipamana ang ating mga mali.
SB19 may be heavily influenced by the KPOP world in so many cases, pero, sabi nga ng iba, let's adapt the good points and weed out the negative ones. Wag nating i-excuse na "ganyan kasi sa KPOP," as a so-called pioneer for PPOP, let's set a good example.
Nagagalit tayo sa mga ibang nauna satin kasi tinolerate yung mga malulungkot na bagay tulad ng racism and harassment. Gusto ba natin na irapan tayo ng mga susunod sa atin kasi di tayo nagseset ng good example? Ganto nalang ba? How can we change when we're afraid of change?
If we're going to do something "big" let's consult others first para di tayo nakakatapak ng iba. Let's be considerate, that's the very least we can do to each other. Di man natin kayang umagree palagi, learn to consider both sides of the story.

Ganun ba kahirap magmahal?
The definition of a "rule" varies from someone's perspective. Baka isipin ng iba na it's a forced transaction o baka nililimit ang kalayaan mo.

But, let me lay down the golden rules that is gonna be reaaaaally handy in the future.
- If you know something that you think is not worth celebrating for or off, unless it's for the betterment and awareness of the majority, keep it to yourself or to your friends but it is not nice to talk down behind someone's back. Gusto ba natin mangyari sa atin yun? Hindi di ba
- Control your curiosity. Marami tayong gustong alamin sa mundo, knowledge is power ika nga. However, there are things better off without us knowing for the sake of our peace? Think: ano ang magandang ikadudulot nito sa akin? Meron ba? O baka marupok lang ako?
- There is always, always two sides (or more) of a story. Don't adapt the cancel culture norm. Let people realize that it's okay to be wrong as long as people are willing to change for the better. Paninindigan talaga ang pagiging masama kung di pagbibigyang maging mabuti.
- We all have opinions, some are very strong that shapes our identity so no one really is allowed to skew it. Learn to accept one's opinion no matter how strong it is. If you think it harms them, try talking to them about it, and if they're so stubborn, leave them be. Parang awa.
- Di sa lahat ng oras kaya nating maging mabuti, magagalit at hahantung talaga tayo sa point na baka mag-iba ang tingin ng iba sa atin. As long as wala kang tinatapakang tao, go for it. There's also a beauty in sarcasm at palabirong trashtalkan dahil bored tayo, know the limits.
- Lastly, kahit busy ka o kahit feel mo guguho na ang mundo mo, still learn to love if not others, yourself. Please. Kung pwede ko lang kayong yakapin lahat gagawin ko, pero sa payat kong mga braso baka mapisa ako. From time to time, magkamustahan tayo. Ikaw, okay ka lang ba?
Also before I forget.

Pwede po bang wag tayo, if not always, minsan mag "sana all"? Nareplayan sa menpa? Sana all. Nanalo sa giveaway? Sana all. Nakabili ng merch? Sana all. While it seems like a harmless statement, learn to know the bounds cause it kinda invalidates an effort.
I say sana all rin and I'm learning to not say it much, di naman kasi paggising natin wala na sa vocab natin yan e. Instead, di natin i-try na "ako rin yan balang araw!" or like that na parang nagsusumikap tayo para dun, wala nang sana.

Nakita na SB19? Ako rin yan balang araw!
You can follow @913090SB.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: