my Nanay used to be labandera back then after hs she told me she can’t send me to college w/c I understand sa sobrang hirap ng buhay namin I worked at 16 dinaya ko age ko Para makapag work sa pabrika ng tsinelas, then sa boy bawang to being crew sa burger machine ++
Pero habang nag wowork ako I always tell myself ayoko maging ganito habang buhay I saved up ng pang entrance exam for college luckily when I took the exam nakapasa ako and I took DOST scholarship I told my Nanay na mag aaral na ko the next yr and she just cried ++
Sabi nya hindi daw nya alam paano ako tutulungan pero she will accept more labada that day was still clear in my head ang sabi ko sa kanya “kaya ko to nay ako pa ba daming pwede maging part time job jan” ++
Sa buong 4yrs ko sa college 2 Lang uniform ko ung 1 bigay pa ng classmate ko pumapasok ako from QC to taft 50 pesos Lang baon ko sakto pamasahe kasi un Lang afford namin nagbabaon ako pandesal at tubig kapag recess nagtatago ako sa library kasi ++
Hindi ako makasabay sa mga classmate ko kumain sa mcdo or jollibee, wala akong phone kapag pasahan ng project ako Lang ung hindi computerize ung gawa kasi wala ako nun lahat Hand written pero never ako nagreklamo sa nanay ko sya pa nga nahihiya sakin
But all those hardship and just because I appreciate lahat ng efforts ng nanay ko despite the fact na sobrang kapos kami noon lahat un inspiration sakin.. so you see hindi mo kailangan maging materialistic kung ano Lang talaga kaya ng parent’s nyo! Be thankful pucha.
