By @chiarazambrano

“Wala na siya.” “Wala na siya.”
“Wala na sila.” “Lahat sila.”

Itong mga nakalipas na araw ay parang walang katapusan. Sana hindi niyo ito maranasan. Ang makita mong isa-isang nalalagas ang pamilya mo.

#ABSCBN
Mga kaibigang nakikita mong papasok sa opisina ng boss, nanginginig pero ngingitian ka, lalabas nang nakayuko at mugto ang mata. Alam mo na. Alam na rin niya. Mga kaibigan mong ayaw sagutin ang telepono kasi alam mo na. Alam na rin niya.

#ABSCBN
Mga katrabahong nakayuko pa rin sa computer, naghahabol ng deadline, uma-attend ng meeting, patagong pupunas ng luha. Kasi patuloy ang pagbabalita. Patuloy na umiikot ang mundo, kahit tumigil na ang mundo niyo. Magtatrabaho hanggat may trabaho.

#ABSCBN
Kagabi ko pa dapat ito isusulat pero hindi ko na kaya. Kailangan niyong malaman. Magsasalita ako para sa kanila.

Patay na po ang Current Affairs ng ABS-CBN. Ang department na gumagawa ng mga dokumentaryo, weekly magazine show, educational programming, payong medikal.

#ABSCBN
Sila ang gumagawa ng mga mahahalagang istorya ng mga ordinaryong tao, kwento mo at kwento ko, yung hindi ibinabalita sa news, pero importanteng mapakinggan ng lahat.

Wala na sila. Wala na silang lahat.

#ABSCBN
Yung iba rito, sila din ang mga buo ng The Correspondents, Pipol, Hoy Gising... yung mga kinalakihan nating palabas.

Dekadang marangal na trabaho. Burado sa isang iglap.

#ABSCBN
Sa Current Affairs ako pinanganak, ang The Correspondents ang una kong magulang. Sila ang nagturo sa aking ng tama at mali bilang mamamahayag, at kung paano maging kwentista. Kung ano ako ngayon ay dahil sa kanila.

Hindi ko man lang sila maisalba.

#ABSCBN
Sa mga nasa labas ng ABS-CBN, kailangan niyong malaman ang mga nangyayari sa loob. Libu-libong buhay ang nasisira. At namamatay ang napakaraming programang tumutulong sa lipunan. 11,071 na puso ang durog ngayon.

#ABSCBN
Kailangan namin ng tulong niyo para ipagpatuloy ang laban para sa malayang pamamahayag, hustisya, at ang karapatang mamuhay nang ligtas sa bayang ito. Kami ang sinampolan, sino sa inyo ang susunod? Hindi lang sa amin nagtatapos ito. Kami lang ang simula.

#ABSCBN
Ang hirap lumaban nang nagluluksa. Pero wala namang labang madali, diba?

Sa ngayon, pangalanan natin ang mga nawala. Pagkatapos, ipaglaban natin sila.

#NoFilter, take a bow.

@matanglawintv , take a bow.

@FailonNgayon_ , take a bow.

@MyPuhunan , take a bow.

#ABSCBN
#SalamatDoc , salamat, take a bow.

#MissionPossible , take a bow.

@sportsUtv , take bow.

@ukgdos (Umagang Kay Ganda), take a bow.

#SOCO , take a bow.

@KuhaMosaABSCBN , take a bow.

#RatedK , take a bow.

#ABSCBN
ABS-CBN Current Affairs, take a bow. Let our tears flow. And when you’re ready, let’s fight.

#DefendPressFreedom
#ABSCBN @chiarazambrano
You can follow @DYANCASTILLEJO.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: