Bakit dapat mong panoorin ang The Rich Man's Daughter (TRMD).
A thread:
Ako yung taong hindi palanood ng tv balita lang ang inaabangan. Hindi pala-support ng artista o loveteam. Haters din ng drama sa tv paulit-ulit kase yung plot 🙄. Hindi rin ako mahilig sa Filipino na palabas kasi parang na-awkward ako basta di ko lang bet.
Ayoko rin ng mga loveteam kase kadiri hahaha yung tipong naghahalikan, sex sa tv kasi ofc what if gayahin ng mga bata alam niyo naman yung mga di dapat ipakita sa mga bata diba yung violence, kalaswaan kase nga "conservative" country tayo ok sabi niyo eh.🤷
Last year pa kinukwento sakin ni @danebnjr na panoorin ko raw ang TRMD at baliw na baliw sya dun ako naman dedma. Anong nakakakilig kay Glaiza sabi ko so dedma talaga ako. Nag quarantine nitong pa April 2020 wala akong work natengga ako, na bored ako.
Since wala akong magawa pinanood ko yung TRMD kahit nagdalawang isip ako kasi 65 eps siya tas local pa ok ako na judger 😂. Potek yan kaya naman pala baliw na baliw si @danebnjr kay Althea (Glaiza) ang hot niya dun sa first appearance niya!!!
So nanood ako hindi ko namalayan ang oras nakaka sampung episode na pala ako. Kaya ayun halos 5 days ko lang natapos ang TRMD at hirap na hirap ako manood kasi kinikilig ako eh kaso may katabi ako palagi alam niyo na pag ngumingiti may jowa agad for them 😂
Ako naman ang nabaliw salamat kay @danebnjr sa pagtitiyaga sakin sa pakikinig kasi ngayon lang ako nabaliw. 😂 Hanggang pati wattpad fanfic nila pinatos ko para kahit dun man lang happy ending sila or nagkiss. 😂 Anw. ang haba ng intro eto na yung dahilan 😅
1. Ito ang first time na may story for lesbians and I commend GMA for the courage kayo lang ang nakaisip ng gantong concept. First time na lesbians naman ang bida, lesbians naman ang panalo.Pinakita rin dito na hindi lang butch ang klase ng lesbians.
3. Social value. Hindi lang sa pag-iibigan nina Jade at Althea umikot ang story nito. Iminulat din tayo nito kung anong lugar at karapatan nating mga lesbian bilang tao na kahit lesbian tayo pwede tayong maging successful at magka-pamilya.
4. Equality and Humbleness. Imagine anak ng bilyonaryo si Jade pero naging friend niya sina Batchi at Wila. Si Althea na simpleng tao lang ang pinili niyang mahalin kahit ang daming iba na mayaman din naman gaya niya. She fell in love with Althea's soul.
5. Friendship. Gusto ko talaga dito yung friendship nina Batchi at Althea isali na rin natin si Wila na kahit gaga ay hindi pa rin pinabayaan yung dalawa. Kahit magkakaiba sila eh naging magkakaibigan pa rin sila. Kahit lesbian ka may tatanggap pa rin sayo.
6. Family. Dito makikita kung gano natin kamahal at gano kahalaga satin ang pamilya. Kahit na maging sila man ang reason ng ating paghihirap ay di pa rin natin sila matitiis at the end of the day pamilya pa rin natin sila, they will support and accept us.
7. Tradition. Nakita natin ang tradition ng Chinese at paniniwala ng mga Pilipino pagdating sa same sex relationship. Isa ito sa realidad ng mundo natin. Si Jade ay yung Chinese tradition at kay Althea naman yung pagiging "conservative" ng mga Pilipino.
9. Love. Hindi lang kina althea at jade kundi yung love for family. Love of friendship. Loving yourself. Being free and true to yourself. Loving and accepting miggy kahit na di naman siya anak ni jade pero dahil anak ni althea si miggy, jade accepts him like her own son.
10. Forgive&Forget- Hindi biro ang pagpapatawad na ginawa ni althea kay oscar lalo na at sinira nito ang buhay niya pati katinuan niya. Gusto ko rin yung pagtanggap ni oscar at paghingi niya ng tawad kay althea tho it's sad na kailangan pang mwala ni Paul para magising siya.
11. Faith in love and being strong. Sa kabila ng mga pinagdaanan nila at sa dami ng nangyari kahit ilang taon pa ang lumipas kumapit at nagtiwala sila sa pagmamahal ng isa't isa. Nagkaron man ng david at kathleen na dumating pinili pa rin nila ang isat isa.
12. Lastly, yung rastro itself for portraying the characters. Straight sila pero dahil sa husay nila sa pag-arte dalang-dala tayo. Cast and crew, yung writers and directors, lahat ng cast ay perfect for each roles at parang walang ibang pwedeng gumanap kundi sila lang.
-na hindi kumpleto ang TRMD kung papalitan yung isa sa mga cast. Ang talino po nung cast director nito kudos sa inyo! Syempre yung ating writer din at direktor kahit mas marami pang away kesa lambingan yung dalawa eh keri lang kasi that’s the reality, sometimes.
Since 5th anniversary na ng rastro napa drama tuloy ako dito. Di ko ineexpect na life changing pala tong trmd nasan ba ko nung 2015 bat ngayon ko lang to napanood. Must watched to lalo na kung gusto mo matutunan ang buhay ng mga lesbians for queers or exploring phase out there.
Kahit bilang sa daliri ang ilys nila sa gesture at titigan palang no words needed ramdam mo na mahal ng jathea ang isat isa. Ngayon lang ako humanga ng ganito sa isang soap opera o drama series kung ano mang tawag sa palabas na to. Salamat Ms. Suz sa paglikha sa jathea at rastro
#Happy5thanniversaryrastro #RastroPaDinAfter5Years
hohopia pa rin kahit 2020 na
Love wins 💕🌈

-end of thread-
You can follow @RickaellaR.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: