"Huwag ka nang magstay kung awa na lang ang nararamdaman mo."

a thread;
"Mahal mo pa ba siya o naaawa ka na lang sa kaniya?"

Mahal mo pa ba o takot ka na lang na masaktan siya kapag iniwan mo't nawala ka sa kaniya?
"Bakit ka pa nananatili kung ayaw mo na?"

Bakit mo pa sinasabing mahal mo pa rin siya kung yung pagmamahal mong 'yun ay matagal na palang nawala?
"Tila ang dati mong galak sa tuwing kasama't kausap siya'y napalitan ng pagkasawa."

Nagsawa ka na.

Ang dati mong pag-ibig ay naglaho na.
"Kung ayaw mo na, sabihin mo."

Oo, takot ka lang na makasakit pero kung titignan mo 'yang ginagawa mo,

kapag ba nagpanggap ka, it would make that person feel better?

Siguro sa mga moment na 'yun, oo.

Pero sa araw na malaman niya na yung katotohanan?
"Doble yung sakit kapag nalaman niyang nagpapanggap ka na lang pala."

Isipin mo, masasaktan siya dahil sa mga pinakita't pinaramdam mong akala niya'y totoo, ayun pala'y sumasaya lang siya sa kasinungalingan mo.

Tapos, masasaktan rin siya dun sa totoong motibo mo.
"Mas okay nang makasakit basta't nagpakatotoo kaysa makapagpasaya nang kasinungalingan lang pala.

Kung takot ka talagang masaktan siya, sasabihin mo sa kaniya yung totoo.

Either way naman kasi, masasaktan siya dahil mahal na mahal ka nung tao eh, tapos ikaw nagsawa ka. ---
--- Masakit 'yun sa part niya pero ba't mo pa patatagalin yung pamemeke mo ng nararamdaman mo?

Dahil takot kang mapag-isa kasi kahit papaano, nagustuhan mong nandiyan siya para sa'yo?
Oo, mahirap talaga kapag nag-fade na yung nararamdaman mo pero sana kung wala na, ipaalam mo sa kaniya.

Sabihin mo direkta sa kaniya, hindi yung patatagalin pa.

Makasakit ka man, atleast naging totoo ka sa nararamdaman mo.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: