a correct way of writing words in your novel.

— a thread🌙
Some of you were confused by writing some words in your work or novel. Here's some tips for you to correct your own word. Pero magtatagalog na ako since tagalog naman 'tong mga 'to HAHAHAHSHA
1. Using Daglat or abbreviation.
Ang daglat ay pananda na ginagamit para maging malinaw ang kahulugan ng mga pangungusap. Like:
Instead of using sa iyo pwede mo namang gamitin ang SA 'YO.
The correct way of writing daglat is:
sa akin - sa 'kin
sa iyo - sa 'yo
sa atin - sa 'tin
2. Pinagkaiba ng AKO sa 'KO at KO -
Marami akong nakikita sa ibang story na gumagamit ng ko na dapat ay 'KO.
Example:
AKO ang gumawa ng ganiyang plot sa story.
Gusto KO namang baguhin ang genre ng aking sinusulat.
Di talaga 'KO nakakapagsulat nang maayos kapag walang tugtog.
— ang 'KO ay pinaikling AKO para mas kaayaaya ang pagkakabigkas o mas magandang pakinggan ang isang pangungusap. (i'm not professional pero yan po talaga ang tama, nasa sainyo na lang kung susundin niyo po or not)
3. Tamang pag-gamit ng DAW at RAW -
Kung natatapos ang salita sa A, E, I, O, U, W, at Y ay RAW ang gagamitin. Mananatili namang D kung hindi natatapos sa A, E, I, O, U, W at Y ang salitang sinundan nito. So kailan nga gagamitin ang RAW, DAW, DITO, RITO, DIN at RIN? ++
RAW, RIN, at RITO:
Gusto niya RAW ng prutas.
Hindi ba't tayo RIN ang gagawa ng proyektong iyon?
Nakapunta na ako RITO noon pa man at totong maganda talaga RITO.
(basta tandaan mo na lang yung mga vowels kasama ang w at y para 'di ka malito.) ++
DAW, DIN at DITO:
Pasikat naman DAW pala iyong kasama mo.
Bakit ba hindi niyo na lang DIN gawin iyong pinapagawa sa inyo?
Wala akong pake kung DITO ka pupunta ngayon!
(tandaan mo rin na kapag HINDI VOWELS KASAMA ANG W AT Y ay D ang gagamitin)
4. Pinagkaiba ng PALANG at PA LANG -
PA LANG - only just
ex:
Papunta ka PA LANG, pabalik na ako.
Ikaw PA LANG ang kaibigan ko rito.
Bakit hindi mo ako gusto no'ng ako PA LANG ang angkakagusto sa 'yo? ++
PALANG - pala + na= palang (parang gulat factor ganon)
ex:
Maganda ka naman PALANG magsulat bakit sinasabi mong hindi?
Bhie, alam mo naman PALANG may ibang gusto yung tao, ba't nilalandi mo pa?
Muntik ko na PALANG ma-unpublish iyong gawa ko!
5. Magkaiba ang MAYAMAYA sa MAYA-MAYA! -
Ang MAYAMAYA ay nangangahulugang "shortly after"
ex.
Mayamaya ako pupunta ro'n kapag hindi ma mainit. ++
Ang MAYA-MAYA naman ay isda, oo, isang uri ng isda!
ex.
Sabihin mo kay inay na bilihin mamaya iyong MAYA-MAYA na paborito ko.

(Ngayon alam mo na? Same! Ngayon ko lang din nalaman! HAHAHA! So narealize mo nang isda ang ginagamit mo?) ++
Pero bakit nga ba mayamaya at hindi maya-maya ang gagamitin? Kasi according to the law, kapag walang kahulugan yung salitang gagamitan ng gitling ( - ) ay hindi ka gagamit no'n. At dahil wala namang meaning ang maya sa mayamaya, wala siyang gitling.
6. Pinagkaiba ng SAKA at TSAKA - pareho po silang tama pero mas maganda kung gagamitin ang SAKA or pwede ring AT SAKA dahil 'yon ang mas pormal, pero hindi ang TSAKA.
ex.
Saka mo na ako idolohin kapag malayo na ang narating ko.
7. Wastong pag-gamitin ang NG at NANG -
Kapag NG ang ginagamit:
sinasagot ang tanong na KAILAN?
sinasagot ang tanong na ANO?
kapag tungkol sa ORAS at PETSA
kapag tumutukoy sa HITSURA ++
Kapag NANG ang ginagamit:
pamalit sa salitang NOONG
- NANG (noong) pumunta kami sa parke ay umulan.

Pamalit sa salitang PARA at UPANG
- mag-ayos ka ng sarili mo NANG (para) magustuhan ka ng crush mo.
- pumunta tayo sa parke NANG (upang) hindi ka maboring dito. ++
Para masarap bigkasin ang NA
- pwede na kumain
- pwede NANG kumain (better)

Kapag inilalarawan kung PAANO isinasagawa ang isang kilos
- kumakain ako NANG nakakamay.
- naligo ako NANG malamig ang tubig. ++
Kapag inuulit ang isang salita
- kain ka nang kain hindi ka naman tumataba.
- magsulat ka nang magsulat kahit wala pang bumabasa sa gawa mo
8. Tamang paggamit ng SINA, SILA, NILA, NINA - alam ko po yung iba ay nalilito pa rin dito like me kaya po ito yung tamang paggamit ng mga salitang iyan. palagi niyo pong tatandaan na ang SILA at NILA ay mga panghalip panao na hindi sinusundan ng pangalan ng tao. ++
kapag SINA at NINA naman, pantukoy na maramihan na dapat ay palaging nasusundan ng pangalan ng tao.
example of SILA at NILA:
- nakasama ko SILA sa paggala noong nakaraan.
- muntik na NILA akong mahuli dahil sa pangongopya. ++
example of SINA at NINA:
- nakasama ko SINA Irah, Sham, Keana, at Lily sa gala noong nakaraan.
- muntik na akong mahuli NINA Anghel at Ax sa pangongopya sa kanila, buti na lang at nakaiwas agad ako ng tingin.
9. NA LANG at NALANG - ang tama po ay NA LANG, therefore, mali po ang NALANG. Dahil ang NA LANG ay dalawang salita, hindi magkasama.
ex.
Ako NA LANG ang mag iiba ng gawa dahil ikaw naman ang nauna.
[end of thread]

Ito lang! Palagi't palagi, sana nakatulong ulit ako. Alam ko yung iba sa inyo hindi na po kailan 'to, okay lang, pero feeling ko kasi kailan ng iba 'to e. credits kay ate vanreigh for the ideas! Thank you! Keep on writing! Love y'all! <33
You can follow @chesveriwp.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: