alam ko — a short filo atsuhina au thread

kung saan napagtanto na ni atsumu na hindi talaga siya ang para sa taong kanyang ninanais na si shoyo. dahil sa isang halik. dahil sa alak.
“CHEERS!!!”

sigaw ni bokuto sabay inom ng shot na binuhos sa kanya ni meian.

kasalukuyang nagcecelebrate ang msby dahil sa kanilang panalo laban sa sendai frogs. lahat ng staff at miyembro ng team ay nagsasaya at umiinom.

"shoyo, dahan-dahan dyan sa alak," sita ni atsumu
nginitian lamang sya ng lalake.

“ano ba atsumu! san mig lang to! grabe ka naman!" sabi ni shoyo sabay inom mula sa kanyang baso.

kahit gusto uminom ni atsumu, kailangan nyang bantayan ang lalake sa kanyang tabi. hindi nya kayang pabayaan ng ganoon na lamang ang taong mahal nya
“di ka kakanta?"

napatingin si atsumu sa kanyang tabi at nakita si sakusa na dahan-dahan lang din ang pag-inom.

“hindi. magbabantay nalang ako. tignan mo nga yung iba, lasing na lasing na," tawa ni atsumu, sabay ubos ng kanyang una at huling bote sa gabing iyon.
"THIS SONG! IS DEDICATED TO YOU BRO!” sigaw ni inunaki sabay turo kay atsumu.

"Bro… Pakinggan mo lyrics ha? Baka matauhan ka na kasi... kami nasasaktan for you” sabi ng lalake, na mukhang iiyak na sa susunod na minuto
“inunaki," sita ni sakusa.

bigla namang tumawa si shoyo sa tabi ni atsumu. “heart broken ka ba, tsumu?”

napangiti nalang ang lalake. “hindi no! malakas lang trip ni inunaki,”

“kawawa ka naman tsumu" sambit ni shoyo sabay yakap sa lalake
“sho…"

bigla namang tumunog ulit ang karaoke at napatingin si atsumu sa kanta.

"alam ko by john roa" muling bulong ng lalake.

nakaramdam ng kirot si atsumu habang tinititigan ang mga lyrics sa screen. napangiti ng mapait ang lalake.

paano ba naman? sakto kasi ang kanta
“atsumu, iuwi mo na si shoyo. marami na masyadong nainom,"

nabaling ang atensyon ni atsumu sa kanta at napunta ito sa kanilang captain na si meian. ngumiti ito ng malungkot.

“baka maiyak ka pa dito kung papakinggan mo pa yung kanta. uwi na kayo,”

binigay nito ang susi sa dorm
"shoyo, uwi na tayo,"

sambit ni atsumu sabay karga sa lalake. dahan-dahan nya itong buhat na para bang mamahaling bagay ang kanyang karga sa kanyang mga kamay.

mahal naman talaga.

mahal na mahal ni atsumu.
habang naglalakad, pinagmamasdan ni atsumu si shoyo na nakangiti sa kanya.

"ang pogi mo naman," sambit ni shoyo sabay tawa ng saglit. “kaso may kilala akong mas pogi sayo,”

“oh talaga? sino?” alam ni atsumu na masasaktan lang sya sa ginagawa nya pero handa naman sya.

alam nya.
“ano bang meron sya na wala ako?” tanong ni atsumu habang papalapit na sila ng papalapit sa kanilang dorm.

“itim yung buhok nya, matangkad, tapos napakaresponsable," sabi ni shoyo, at halata sa kanyang pananalita na sya ay lasing na nga talaga.

"mahal ko yun eh!”
napalunok si atsumu.

pilit nyang pinipigilan na maluha sa mga sinasambit ng taong kanyang minamahal.

“ano pangalan nya?" tanong ni atsumu kahit alam na nito ang sagot.

"yung setter ng adlers! si kageyama tobio! pero wag mo sasabihin sa iba ha? sikreto lang to!”
nakapasok na sa loob ng dorm sina atsumu at shoyo sa kabila ng panginginig ng unang lalake.

“matulog ka na shoyo. lasing ka na eh. di mo alam mga sinasabi mo," tawa ni atsumu, aksyon upang maitago ang kanyang nabibiyak na puso.

paalis na sana si atsumu sa kwarto noong biglang
hinila sya pabalik ni shoyo.

nanlaki ang mga mata ni atsumu sa ginawa ng lalake. hinawakan naman ni shoyo sa mukha si atsumu sabay ngiti ng malambing.

"mahal na mahal kita," sambit nito. matutuwa na sana si atsumu dahil sa wakas… mahal na rin sya ni shoyo

ngunit…
"mahal na mahal kita tobio,"

huling sinabi ni shoyo bago maluha at halikan sa labi si atsumu. hinayaan lamang ito ni atsumu.

sariling mga luha ay pumapatak na rin kasabay ng luha ni shoyo.

pagkatapos ng halik ay nawalan na ng malay si shoyo
binuhat muli ni atsumu ang lalake sa kanyang kama bago nya ito titigan at tuluyan ng umiyak sa tabi niya.

hindi napigilan ni atsumu ang bigat ng kanyang damdamin. ang mga luhang lumalabas sa kanyang mata ay mukhang walang balak tumigil dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.
[ May luha pa rin sa 'yong mata
Lungkot ba'y hindi ko nabura ]

“nandito naman ako shoyo... bakit hindi nalang ako?" bulong ni atsumu sa natutulog na katawan ni shoyo

[ Puso mo ba'y 'di ko nasagip
Umaasa ka pa bang may bumalik ]

“im here shoyo but all you see is him,”
tuluyan nang lumabas ng kwarto si atsumu, mga luha ay di pa rin tumitila.

kinuha nya ang kanyang telepono at tinawagan ang pamilyar na numero. ito ay nagring ng ilang beses bago sinagot ng tao sa kabilang linya.

“atsumu sana alam mong gusto ko rin matulog—"

“osamu…”
“... umiiyak ka ba atsumu? ano nangyari sayo,"

nahalata ng lalake ang pag-aalala ng kanyang kambal sa kabilang linya kaya naman siya ay natawa sa kabila ng kanyang mga luha.

“alam ko naman osamu eh. alam ko namang hindi ako yung hanap ng yakap nya... ng mga hawak nya,”
“pero bakit ganon,” tanong nito bago umiyak ng mas malakas at mas masakit kumpara sa nauna nyang mga iyak.

“Simula pa nung simula... alam kong hindi naman talaga sya sa akin,” iyak ni atsumu. "ang sakit osamu. ang sakit sakit,”
"Alam kong hindi naman naging ako,”

nanatiling tahimik si osamu, nag-aalala sa estado ng kanyang kapatid.

hindi nya alam ang gagawin. alam nyang mahal ni atsumu si shoyo. mahigit pitong taon na ngunit hindi sapat ang oras sa relasyon na meron sina shoyo at tobio.
"Akala ko... masaya kami. Nandito naman ako lagi para sa kanya pero iba pa rin hinahanap nya,"

“Atsumu... alam mo namang wala kang laban. Sa simula pa lang. Binalaan na kita…"

“Alam ko naman yun osamu pero ano magagawa ko? Mahal ko si shoyo eh... kahit nakay tobio pa rin sya,”
“oras nang tanggapin mo atsumu... palayain mo na si shoyo. palayain mo na sarili mo... alam kong mahal mo si shoyo. mahal na mahal mo oo pero anong laban mo sa taong hindi ka naman pipiliin at may mahal na iba? ano to magpapakatanga ka?”

huminga ng malalalim si osamu.
"alam mong hindi ikaw at hindi magiging ikaw, atsumu,”

sa sinabi ng kanyang kambal, napaiyak muli ang binata sa kabilang linya.

"alam ko pero pwede ba akong umasa na kahit second option lang ako? pwede ba yun?”
"atsumu—“

biglang napatawa ng mapait ang lalake sa kabilang linya.

“nevermind... i was never an option anyway,”

sambit ni atsumu sabay ngiti ng malungkot.
You can follow @cosmomiyas.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: