wow never kong naimagine na mamimiss ko pala ang manila. kwento lang aq. miss ko na yung paggala sa upm campus tas pagtambay sa gym nila. miss ko na rin matulog sa loob ng laboratory. pati yung pag-uwi nang alas tres nang madaling araw dahil katatapos lang ng expermimentation.
miss ko na yung 7 eleven hopping sa ermita kasi apakarami HAHAHA di ko alam pero huling bilang namin ay 11. miss ko na makipaghabulan sa kalsada tuwing gabi kasi nagkakatakutan. miss ko na yung pagkakasya naming 7 na estudyante tas yung adviser namin sa studio type na apartment.
miss ko na magstay sa stay malate hostel kapag wala na kaming pambayad ng renta sa apartment kasi araw-araw burger king pa HAHAHA miss ko na rin kumain sa sisig express the best huhu. miss ko na yung ingay ng sasakyan tapos yung mga taong napakabibilis maglakad.
miss ko na yung pagtayo sa tren namg sobrang tagal papuntang bambang. miss ko na rin yung pagstroll sa national museum at luneta kapag umaga kasi 5pm pa pwede pumasok sa lab. o kaya tambay sa rob manila maghapon. pati yung pagpuntang sm manila para lang bumili ng ballpen.
nakakamiss yung ako lang yung palaging lumuluwas kahit tatlo kaming leader dahil hindi kaya nung dalawa yung puyatan. nakakamiss din yung hindi ko pagpasok sa klase nang halos isang buwan straight at walang exemption kaya hinabol ko lahat.
feeling ko out of 10 months ng g10, 4 months lang ako pumasok sa klase ganon. kakamiss yung galit ng consultants namin kasi mali yung nagawa namin o kaya may natapon kaming chemical o nabasag na apparatus.
miss ko na gumawa ng articles habang nasa lab kasi nagkakasabay yung presscon at science fair palagi. both division at regional kaya patay katawan everyday. tapos pag-ayos pa ng events dahil presi ako ng school org.
miss ko na matulog ng buong period tapos gigisingin ako ng katabi ko kung kelang magq'quiz na pero matic may i-aabot na sa'king 1/4 na may sagot na,, pangalan nalang wala. kaya i love my classmatez chz mga bata pls wag tularan HAHAHAHA
miss ko na yung pagpasok ko ng iskul kasi may exams tapos kauuwi lang namin galing manila mga 2am ganern tas tulog sa lab sa school then ligo sa cr na rin sa umaga
kung may nagbabasa man neto,, natutulog talaga kami sa school. second bahay ko na yon since may isang lab don na hindi ginagamit pero nakaaircon so yez,, mga twice a week lang ako nakakauwi plus yung weekends minsan asa school din ako
sjskksks ayon end of thread. gusto ko lang magsabi ng "miss ko na" huhu pero miss ko na rin pumasok :<