Ilang sandali na lamang ay magsisimula na ang Zoom Rally! Dumalo at makiisa sa pagpapalakas ng ating mga panawagan!

#FreeCabuyao11
#JunkTerrorLaw
#OustDuterte https://twitter.com/SikhayUPLB/status/1279660278305550338
PANOORIN: Video Polyeto ng mga Pambansa-Demokratikong Pangmasang Organisasyon sa UPLB hinggil sa Pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law

Makiisa sa Zoom Rally ngayong hapon! Sama-sama nating ipagpanawagan ang #JunkTerrorLaw #OustDuterteNow #DefendTheDefenders https://www.facebook.com/423781970970671/posts/3618307354851434/?vh=e&d=n
Carla ng @AnakbayanUPLB_ : Mariin naming kinukundenda ang pagsasabatas ng Anti-Terror Law. Wala pang isang araw ay nagkilos protesta ang ating mga kasama sa Cabuyao at ang iniharap sa kanila ay pasismo nang sila ay dakpin ng mga kapulisan matapos ang mapayapang rally.
Para sa estado, ang pagiging aktibista ay pagiging terorista. Ang terorismo ay ang paghahasik ng takot sa mga mamamayan at ang rehimeng Duterte ang kumakatawan ng terorismo!
Makatwiran na tayo ay lumaban at sumulong! Huwag tayong magpatinag at ituloy lang ang ating laban!
Thea ng CFNR Student Council: Bilang mga lider estudyante hindi takot ang mananaig sa atin, bagkus lalo tayong kikilos upang pabagsakin ang pasismo ni Duterte!
Joie ng UPLB COSS: Hindi makatarungan ang ATL dhail kikitilin nito ang boses ng taumbayan. Asan ang kalayaan kung basta-basta ka lang huhulihin nang wala namang kaso? Kung hindi tayo mamamatay sa sakit, mamamatay tayo sa kamay ng armadong militar!

#JunkTerrorLaw
#FreeCabuyao11
Siegfred ng CEM Student Council: Sa halip na mga batas at polisiya para sa mass testing at ayuda ay pasismo ang ibinibigay ng administrasyon ito. Walang maayos na economic response sa halip ay trilyong trilyong utang ang ating kinaharap.
Palpak at nakakasama sa bansa ang administrasyong Duterte. Ang iligal na pag aresto sa mga progresibo ay isang manipestasyon ng pang-aabuso sa ating ng mga karapatan.
Lyra ng @elepsuplb: Mag-aapat na buwan na ang bugso ng pandemya. Pinagtitis pa rin tayo sa hirap dahil sa pabayang gobyerno. Sa paglagda niya sa Anti Terror Law ay pinatunayan niyang takot siya sa boses ng tao dahil sa kakayahan ng taumbayan na siya ay patalsikin.
Lahat tayo maaaring bansagan ng terorista ngunit kung mananahimik tayo, sino ang lalaban kasama ng mga maralita, magsasaka, kabataan, manggagawa? Hindi nila tayo mapapatahimik. Patuloy ang panawagan na ibasura ang Anti-Terror Act!
You can follow @AnakbayanUPLB_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: