na-akit - a thread:
"Napakaganda mo naman, lakas maka-akit
Para kang anghel na umaawit sa langit
Aabutin kita kahit maraming balakid
Kasi mahalaga, ika& #39;y mapasa & #39;kin..."
Oh, kay sarap awitin ng kantang ito sa & #39;yo. Pero mahirap. Mahirap mag-approach. Mahirap kasing umamin. Mahirap gumawa ng move na baka ikasira ng pagkakaibigan. At mas mahirap pa kasi ang baba ng confidence ko sa sarili ko.
Alam kong maraming nagkakagusto sa & #39;yo. Sobrang angelic ng boses mo. Doon ako nahulog eh. & #39;Yung tipong sa bawat pakikinig ko, napapawi ang lungkot ko at pagod sa araw na lumipas.
"Napakagandang tala ang aking nakita
Nagsilbi itong pang-akit sa & #39;king mga mata
At parang ayoko na ikaw ay mawala
Abutin man ng madaling-araw basta& #39;t kasama ka..."
Ano kaya& #39;ng pakiramdam kung palagi kitang nakikita? Napakalayo kasi natin sa isa& #39;t isa. Nasa kalangitan ka, pinupuno mo ang kadiliman ng puro makikinang na mga tala. Kung makita& #39;t makapiling ka& #39;y laking saya at makakapahinga ako sa tabi mo.
"Maraming mga ulap ang pumapaligid sa iyo
Mananatiling tagahanga nang mapansin mo
Gusto kitang abutin, naggagandahang ningning
Handa ko & #39;tong sungkitin hanggang ako& #39;y maaning..."
Samantalang ako naman, nasa lupa lang. Walang kayang maipagmalaki. Pero ang tangi ko lang magagawa ay hintayin ang gabi para makita ka ulit. Sobrang laki ng paghanga ko sa & #39;yo kasi, na hindi ko na maisip kung okay pa ba ako... Basta, nakakabaliw ka.
"& #39;Di na kailangang maghanap pa ng iba
Marami man mang-akit sa & #39;kin, ikaw lang talaga
Magmula no& #39;ng una kitang nakita
Parang naramdaman ko na mahal na kita..."
Kung magiging iyo ako, at akin ka, ipinapangako kong hindi ka magsasawa. Sasabayan kita sa kahit anong trip mo. Magiging kasangga mo ako sa bawat problema mo, Palagi kitang pagmamasdan & #39;pag matutulog o & #39;pag tulog ka na. Basta, andito lang ako palagi para sa & #39;yo.
"Marami & #39;kong dapat na sabihin sa iyo
Kaso nga lang ay nahihiya ako
Ayoko na sanang ito na aminin
Gusto ko lang namang ika& #39;y mapasa & #39;kin..."
Marami akong pangarap na nakikita na kasama ka. Marami akong gustong pagdaanan na kasama ka. Ayokong mawala ka& #39;t masayang ang paghihintay ko sa wala kaya ayoko pa sa & #39;yong aminin ang nararamdaman ko.
"& #39;Di ko mapigilang ngumiti kapag dumarating ka na
& #39;Di mo lang alam na pinagmamasdan kita
Kahit ligaw tingin, sana ay mapansin mo ako& #39;t sagutin
Kasi nga, alam mo na ikaw ang dahilan kung ba& #39;t ako ganito
Para lang, alam mo na ako ay nabighani, & #39;di ko maitatanggi..."
Pangako ko sa & #39;yo, na ang buhay nating dalawa ay mapupuno ng pagmamahalan ay hindi kayang matumbasan ng kahit anumang luho o pagtutukso. Palagi nating ilalagay ang presensiya ng Panginoon sa gitna natin, kung sakaling matanggap mo rin ako sa buhay mo.
Sa ngayon, gagamitin ko muna ang sandali para mas makita ko ang malaking larawan kung saan malaya pa akong makakapag-isip at maplano ko nang maigi kung paano ko itatatag ang sarili ko. Di lang para sa & #39;kin, kundi para sa & #39;ting dalawa. Mahal kita palagi! Patnubayan Niya nawa tayo!
You can follow @EleazarGalope.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: