Skl,, one week after kong madischarge sa ospital bc of committing suicide pumunta kami sa school ng nanay ko para kausapin prinicipal and adviser ko. Kinausap akong magisa tapos unang sinabi saken..”iha taga marisci ka ba talaga? Kasi mga nag-aaral dito di naman ganyan kahina”
Tapos kinumpara pa ako sa kakilala niya. Tangina narape ako at habang buhay kong dadalhin yung trauma na yon tapos sasabihin mo saken.. “may kakilala nga akong narape bata pa eh pero nakabangon naman siya, bakit ikaw hanggang ngayon iniisip mo yan? Napakahina mo naman—
-di ka madedepress kung di mo iiisiping may problema ka. Ako nga matanda na at mas maraming problema sayo pero kahit kailan di ko ginustong magpakamatay”
TAPOS POTA SINABI SAKEN “KAPAG SA SUSUNOD NA TAON NAKITA KONG NAGLASLAS KA, PAAALISIN NA KITA SA ESKWELAHAN NA TO. HINDI PWEDE GANYANG TAO RITO”
Nirape ako ng punyetang tricycle driver noong pauwi ako galing school, hanggang ngayon malaya yung lalaking yon kasi wala akong sapat na ebidensya para lumaban. TAPOS SASABIHEN MO SAKEN “WAG MO NA LANG ISIPIN” EH ANO BA NAKIKITA KO NGA SA LABAS NG SCHOOL NAMAMASADA.
Tapos eto pa, sinabi sakin.. “bakit kailangan mong magtweet na malungkot ka? Ano yon gusto mo lang may maawa sayo? Ay pwes kung tatanungin mo ako, hindi ako naaawa sayo. May nalalaman pang depre-depression” NGIH BALAKAJAN
Tapos tong MAPEH teacher namin halos kalahating oras naglecture para iparating samin na wala kaming karapatang madepress kasi nasa amin naman na lahat ng kailangan namin. Sinabi pa na nasa utak lang lahat, di raw totoo yang depression na yan.
Di niya rin daw maintindihan kung bakit may mga estudyanteng nagpapakamatay. Wawa sayo Rodrigo, lahat na lang ba ng may ganyang pangalan basura.
Pinakamalala pa sa lahat.. naluluha luha na ako noon pero tinawanan niya lang ako dahil ‘masyado pa raw akong bata para madepress at magpakamatay’
Ma’am halos tatlong linggo akong nasa ospital tapos pagbalik ko sa school akala ko tutulungan niyo ako pero PINALALA NIYO LANG LAHAT! Pinaramdam niyo saking sana hindi na lang ako nakaligtas sa pagpapakamatay ko noon.
HALA GRABE THANK YOU SA MESSAGES, SORRY DI KO MAREPLYAN LAHAT APAKARAMI 😳😳💖💖💖
You can follow @junahmu.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: