In a few minutes, 98 days na tayong quarantined. Pinakamahaba sa buong mundo. Patong-patong ang utang. Yung mga bansa sa Southeast Asia na mas mahirap pa sa atin, naka-recover na at bukas na ulit.
Bago isisi sa mga tao, tandaan niyo kung sinong ayaw mag-impose ng travel ban kahit kay kaso na rito. Tandaan niyo kung sinong nagsabing sasampalin lang ang COVID, sasabuyan ng kumukulong mantika, at nagsabing, "Naniwala naman kayo?" Tandaan niyo kung sinong nagpa-GCQ agad.
Tandaan niyo kung sinong averse sa mass testing, mini-misconstrue ito bilang "ite-test lahat, at mas gusto ng targeted testing kahit late in the game na at masyado rin namang konti ang samples para maging targeted testing. Tandaan niyo kung sinong nagpapahintay sa atin ng bakuna.
Tandaan niyo kung sinong nagpasa ng lahat ng responsibilidad sa private sector, mula sa pinakamalalaking negosyante hanggang sa micro-enterprises tulad ng sari-sari stores. Tandaan niyo kung sinong nagpabukas ng malls na para bang nakatira tayo sa isang economy at hindi society.
Tandaan niyo kung sinong nagbukas ng war chest para ilaan ang lampas-kalahati sa turismo at kakarampot para sa public healthcare. Tandaan niyo kung sinong nagpakalat ng mga tarantadong pulis at militar sa lansangan na para bang security crisis ang pandemya at hindi health crisis.
Tandaan niyo kung sino-sinong pumiling ipasara ng ABS-CBN at nagtatwa kay Maria Ressa sa gitna ng pandemya. Tandaan niyo kung sino-sinong pumiling isabatas ang Anti-Terror Bill upang idiin ang mga pinaghihinalaang komunista, tila ba Cold War era, at walang pinag-iba sa Tokhang.
Tandaan niyo kung sinong nagsasabi sa ating wala nang pera linggo-linggo pero patuloy ang pagtanggap ng foreign donations at pangungutang sa World Bank atsaka AIIB. Tandaan niyo kung sinong naglaan ng inutang na pera para sa "brrrt brrrt" guns at transistor radios.
Tandaan niyo kung sinong nagsabing, "change is coming," pero sa halip na itama ang mga kagaguhan ng mga naunang administrasyon, lalo pang dinugyot ang Pilipinas.
You can follow @Punongbayan_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: