Story Thread

"Sayang (4 years)"

1. Ako si Linelle, working na bilang isang accountant. Nag-reready ako ngayon para sa kasal ko, siguro naka-rinig na kayo ng storya na somehow related dito pero this is kind of different ng slight. So here it goes
2. Nakilala ko siya noong 2nd year highschool kami, He was the guy na sobrang funny, caring, and lagi siyang andyan para sayo. Yung feeling na kahit andami-dami ng nag-dodown sayo pero siya andyan pa din malaki ang tiwala sayo.
3. Dun nag-umpisa ang kwento ng pag-kakaibigan namin, parati kaming nalabas kasama mga kaibigan ko. Lagi niya din akong iniintay kapag uwian para sabay na kaming umuwi. Sya yung ideal bestfriend ng lahat ng mga babae.
4. Hanggang sa nag-college na kami ay lagi pa din siyang andyan para sakin, kahit magkaiba kami ng school ay inaantay niya pa rin ako at hinahatid pauwi. 3rd year highschool pa lang ako ay alam ko ng mahal ko siya, at siguro ganoon din ang nararamdaman niya para sakin.
5. Yun ang akala ko, hanggang sa nag-kukwento na siya sakin tungkol sa isang babae na matagal niya ng crush, bago pa daw kami maging mag-bestfriend ay crush niya na yung girl na yun. Dito ko na feel na maybe I have to let go of my 4 years feelings for him.
6. “tara kain tayo ngayon? buong tropa kasama pati ung mga kaibigan ko sa kabilang school” - Gab
 Bigla naman nagyaya si Gab noon ng kain sa labas kasama ang buong tropa.
7. Siyempre niyaya ko din kaagad si Kade (bestfriend ko) na sumama samin dahil lagi na din naman siyang kasama simula pa nung highschool pa kami.
8. Simula nung labas namin na yun ay malimit na kaming inaasar ng mga kaibigan ko, shiniship nila kami sa isa’t-isa. Ilang beses na din kaming lumabas at ilang beses na din kaming inaasar.
9. Dahil marupok ako ay nadala ako sa mga pang-aasar nila pero syempre hindi ko sinabi sakanila.
10. Hanggang sa July 27, 2015 Nagyaya ng labas sila Trisha kasama siya syempre, May kakaiba sa araw na to dahil hindi nila kami inaasar, so syempre nakakagulat yun. Habang nakain kami ay bigla siyang humarap sakin at sinabi niya ito “Will you be my girlfriend?”.
11. Nagulat ako sa nangyare, nagulat din sila Trisha sa nangyare na panliligaw ni Coby sakin. Si Coby yung guy na inaasar nila sakin simula nung una pa lang kaming nag-kita.
You can follow @My_StoryThreads.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: