Lumabas 'to sa memories ko sa FB it is 1 year ago, then bigla akong napa isip. Sobrang tagal na pala simula nung nag stan ako ng tamang vlogger. I suffered from depression 2 years ago. Walang kain, walang tulog, puro iyak. @ilovejamilll @camilltrinidad @JayzamLloyd

a thread;
My depression started June 2018. Ang lala kasi nung effect sakin dahil wala talaga akong magawa kahit ano. Napa stop pa ako sa school, grade 10 dapat ako that time. Masyadong sensitive ng dahilan kung bakit ako nagka depression so I choose not to say it here.
Nagmaka awa na sakin sina Mommy na maging maayos ako pero hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko hindi ako maka ahon. Then 3 months later, mga August yata yon, I try to check out my social medias pero andaming nag down pa lalo sakin. Kaya ako napadpad sa YouTube.
I was scrolling that time ng makita ko yung isang vlog ng JaMill. Prank video yon, nasa condo palang sila. I try to watch it then di ko namalayan na ngumiti ako. Napa ngiti ako after 3 months! After non pinanood ko pa yung mga old contents nila.
1 month palang andami ng nag bago sakin simula nung nakapanood ako ng vlog ng JaMill. Unti-unti bumabalik na yung dating ako. Nag simula na ulit ako lumabas ng kwarto. Nag try ako na lumabas ng bahay at sinubukan ko ng makipag usap sa ibang tao.
Legit yung iyak ni mommy nung time na yon. Ayon nga ayos na, but this blessing came to me again. May nag alok sakin na pumasok sa ALS. Dahil 16 years old na ko pinayagan akong kumuha ng exam. I thought na kapag naka pasa ako don ay mapupunuan lang yung 1 year na stop ko.
Exam day, imbis na mag review nanood ako ng vlog ng JaMill. Mas nakaka pag isip kasi ako kapag good mood ako. Nag take ako nung test ng February 2019, at lumabas lang yung result first week of June. Halos 3 months yung kaba ko non kaya panay ang nood ko sa JaMill.
AND I PASSED IT! YES NAKA PASA AKO!

Then here comes the surprise for me. Yung exam na yun pala ay may kasama ng diploma for secondary level. So it means pwede na ko mag deretso college!! Yes hindi ako nag take ng Grade 11 and 12 dahil nag deretso college ako.
Nung malaman ko yon ay nag direct messege ako sa lahat ng social media ni Nay @camilltrinidad at Tay @JayzamLloyd . Nag kwento ako about sa nangyari sakin at kung pano nila ako natulungan. I don't know kung nabasa nila dahil for sure madaming nag d-dm sa kanila.
And now...I'm incoming 2nd year college. I promised to myself na kapag nakapag trabaho na ako. I will make some way para mapasalamatan silang dalawa sa personal. Kulang pa ang salitang salamat sa naitulong niyo sakin @ilovejamilll kahit hindi niyo po ko kilala.
Dahil hindi niyo lang ako napa saya kundi binigyan niyo pa ako ng pag asa at buhay. You deserve all the blessing na nakukuha niyo ngayon and yung mga dadating pa. Thank you po ng sobra sobra. Promise one day I will say this words to both of you personally. @ilovejamilll
This is Angel Edilene Vismonte, a survivor from depression, a pure mandirigma, a strongger and a better person because of JaMill.

@ilovejamilll @camilltrinidad @JayzamLloyd

;end of thread
You can follow @MsLene_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: