🍂—The Day She Said Goodbye

a thread;
🍂—One

6 years old ako nun at sa loob ng anim taon na yon lumaki akong di ko close si mama. Iniwan kami ni papa eh haha. Simula non, laging babad si mama sa trabaho at yaya ko lang yung kasama ko sa bahay.
🍂—Two

Hindi ko na siya naaabutan tuwing umuuwi siya dahil late na siyang umuuwi at maaga namang aalis. Pero okay lang naman sakin kasi ginagawa niya yon para matustusan pangagailangan ko lalo na't bata pa ako.
🍂—Three

Malapit na birthday ko non kaya tinanong ko si mama kung pwede ba dalhin yung Jollibee na mascot sa bahay tas iinvite yung mga kaklase ko.
🍂—Four

Pero palaging busy si mama. Hindi niya siguro naaalala na malapit na pala birthday ko. Pero di ako nawalan ng pag-asa kasi baka isusurprise niya ako kagaya ng mga napapanood ko sa tv.
🍂—Five

4 days before ng birthday ko tinanong ko si mama. "Mama malapit na po birthday ko, gusto ko ng jollibee." sabi ko sa kanya. "Mamaya na Akira pagod ako. Malayo pa naman yun." sagot niya at umakyat na papuntang kwarto.
🍂—Six

Sobrang lungkot ko non kasi yung kaklase ko nga a week before ng birthday niya binigyan nya na kami ng invitation pero sakin kahit plano man lang wala pa.
🍂—Seven

2 days before ng birthday ko tinanong ko ulit si mama kung ano yung plano para sa birthday ko pero nagalit siya. Pagod daw siya sa trabaho at dumagdag pa raw ako. Gusto ko lang naman magkaroon siya ng time para sakin ah.
🍂—Eight

alas onse na ng gabi at ngayong 12 am birthday ko na. Okay na sakin kahit wala si Jollibee basta i greet lang ako ni mama. Nakatanaw ako sa bintana non at 12:00 am na. "Happy Birthday" sabi ko sa sarili ko habang kunwari may hinihipan na kandila.
🍂—Nine

Umiyak ako non at natulog. 9 am nung may gumising sakin—si Mama. "Mama anong ginagawa mo dito?" sabi ko habang kinukusot yung mata ko. "Sorry baby ah napagalitan ka ni mama. May surprise ako!" sabi niya habang kinakarga ako. "Pupunta tayong Enchanted Kingdom!" sabi niya.
🍂—Ten

Sobrang saya ko non. Sabi ko na nga ba may surprise si mama para sakin eh! Sumakay kami ng iba't ibang rides at kumain kami ng napakaraming pagkain. Best birthday ko yon para sakin.
🍂—Eleven

Mama upo muna tayo" sabi ko habang kumakain ng Ice Cream kasi pagod na rin ako kakasakay ng rides. Umupo kami ni mama don.
🍂—Twelve

Makalipas ang ilang minuto." Anak sakay tayo ng carousel oh" sabi niya sabay turo don sa carousel. Pumayag ako mukhang masaya eh at kasama ko pa si mama.
🍂—Thirteen

Ang saya sumaya sa carousel! "Happy Birthday Anak!" sabi ni mama at hinalikan yung noo ko. "Thank you mama! I love you!" sabi ko naman. Sobrang saya talaga ng birthday ko.
🍂—Fourteen

Natapos ang pagsakay namin ng carousel nang biglang may sinabi si mama. "Anak, cover your eyes ha and count one to three" sabi niya sa akin at binigyan ako ng chocolate bar. "Okay mama." sabi ko nalang.
🍂—Fifteen

"After three, open your eyes ha. Mama loves you very much." sabi niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Parang paiyak na si mama non eh pero ngumiti parin siya.
🍂—Sixteen

"Ready?" tanong niya at tumango ako. I covered my eyes using my palms at nagsimulang magbilang. "Oneee.... Two..... Three..." pagbilang ko.
🍂—Seventeen

Sa pagbukas ng mata ko ay kasabay non ang pagkawala ni mama sa paningin ko at iyon ang huling pagkakataon na nakita at nakasama ko siya.
—END OF THREAD—

ps: this is fictional huhu HAHAHAHA
You can follow @jjeloussy.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: