Para sa mga lalabas bukas :

1. WEAR A MASK.
Kalat na ang virus. Di natin alam kung tayo mismo ay infected. Dapat natatakpan ang ilong at bibig.
WAG HAHAWAKAN O AAYUSIN ANG MASK. Magdala ng extra mask para pamalit kung pawisan na. Ilagay sa ibang supot ang gamit na cloth mask
2. MAGDALA NG BAG NA PWEDENG LABHAN PAG-UWI SA BAHAY

Ok ang cloth bags. Iwan niyo na ang mga leather bags sa bahay. Yung mga pitaka, cloth na din. Ihulog sa batsang may sabon at tubig pagdating sa bahay. Gumamit nang bagong bag araw-araw (ideal).
3. READY LAGI ANG ALCOHOL 60-70%
Mahirap hindi humawak sa mga sukli, elevator buttons, pinto, keyboard, etc kaya everytime na may mahawakan kayo, alcohol. I know ang hirap.
4. MAGKAROON NG "CLEAN BOX" KUNG SAAN ILALAGAY ANG DISINFECTED NA MGA PERSONAL ITEMS TULAD NG BALLPEN, CELLPHONE, SUSI, ETC SA TRABAHO AT BAHAY
Pwedeng ice cream container lang ito para pwedeng hugasan w/ sabon.
5. WAG GAMITIN ANG CELLPHONE HABANG NASA BIYAHE. WAG NA MAKINIG NG MUSIC.
Hintaying makarating sa opisina bago buksan ang phone. Wash hands then wipe cellphone with alcohol. Lagay sa clean box. Make sure mag alcohol bago hawakan ang cellphone from the clean box.
6. PUNASAN ANG WORKSPACE (LAHAT NANG HAHAWAKAN MO PARA MAKAPAGTRABAHO) NG ALCOHOL.
Gawin ito lagi bago ka magtrabaho, sa gitna ng shift, at bago ka umuuwi lalo na kung may ibang gagamiting ng spot mo.
7. MAG MASK KAHIT SARILI MO ANG CUBICLE O KWARTO
Isipin mo infected ka at pwedeng mahawa ang iba sa yo. Hindi mo rin alam sino ang pumunta sa lugar mo nung wala ka pa sa trabaho.
8. WAG MAG SELFIE O GROUFIE NANG MAGKAKADIKIT
Maintain 1-2 meters distance.
9. WAG CHUMIKA NANG CHUMIKA
Kung gusto niyong magchismisan, sa social media na lang. The more maraming nagsasalita, sumisigaw, tumatawa, o kumakanta, mas kumakalat ang virus.
10. WAG KUMAIN TOGETHER.
Kasi nga physical distancing 1-2 meters. Tapos syempre pag kakain walang mask. Tapos magkwekwentuhan pa. Sa cubicle niyo kayo kumain.
11. MAGDALA NANG SARILING BAON.
Para maiwasang humawak ng mga food container na maaaring kinapitan na ng virus. If di kaya, hugasan ang labas ng container (kung plastic) ng tubig at sabon at ilipat ang pagkain sa sariling baunan.
12. MAGHANDA NG BALDE NA MAY TUBIG AT BLEACH / SABON SA LABAS NG BAHAY.
Maghugas ng kamay hanggang siko. Iapak ang sapatos sa tubig na may bleach o sabon (kaya di Ok na gamitin ang mga mahal na leather shoes). Iwan ang sapatos sa labas ng bahay.
13. ILAGAY ANG GAMIT SA ISANG "DIRTY BOX "
Wag ipapatong ang gamit kahit saan. Sa "dirty box" lang ilagay. Isa isang ilabas ang mga bagay na dapat i disinfect : cellphone, susi, barya, ballpen. After isa isang madisinfect, ilagay sa clean box. Ang money bills, iwan sa dirty box.
14. WAG MAG EMBRACE NG PAMILYA. AFTER AYUSIN ANG GAMIT, DERECHO LIGO.
Punasan ng bleach/alcohol ang mga door knob na hahawakan para makapunta sa CR. Sa CR, ihalo ang sabon sa tubig sa timba. Pabulain. Yan ang first buhos (wag tubig lang). Ubusin. Then regular ligo na.
15. MAKE SURE YUNG DAMIT NIYO NAKA SEPARATE NANG MAAYOS.
Kung pwede ihulog na agad sa batsa na may sabon at tubig para mamatay na ang pesteng virus. Wag niyo ipag sort si Mama niyo ng damit. Magkakasakit siya.
16. WAG NANG PUMASOK KUNG HINDI MAGANDA ANG PAKIRAMDAM.
Iba-iba ang presentation ng COVID-19. Nakakaloka sa dami. Iligtas natin ang ating co-workers. Sabihan agad ang HR.
17. WAG NA TAYONG MAGSISIHAN KUNG NAHAWA TAYO NG CO-WORKER O SINUMAN.
Super infectious ang virus at lahat tayo ay stressed. Mag isolate at magpagaling sa bahay (hopefully hindi maging malala ang sintomas). Ideally dapat may PCR Test to confirm.
18. IMPORTANT : Maglampaso ng sahig gamit ang tubig at bleach/sabon tuwing may darating sa bahay (kahit saglit lang umalis).
19. WAG MAHIYA MAG PAALALA SA IBANG TAO.
Remind others about physical distancing. Be firm but polite. Dapat sa pamilya, barkada, opisina ninyo may "safety officer" na laging magpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin.
20. STAY ALIVE (para makapag samgyup ulit).

Matatapos din ito...hindi lang natin alam kung kailan. Ang goal natin, buhay pa tayo pag nagkaroon na ng bakuna. Habang wala pa, tuloy-tuloy ang ating pag-iingat at pagtutulungan.

Kaya natin 'to.
You can follow @theskinsensei.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: