Hustisya para kay Carlito “Karletz” Badion, Pambansang Secretary General ng KADAMAY!

Puno ng poot at galit ang buong Kadamay ngayon habang nakikiramay sa pamilya ni Carlito “Karletz” Badion, minamahal na pambansang lider ng organisasyon. (1/12)
Si Karletz ay pinaslang ng mga elemento ng mga pinaghihinalaang elemento ng Armed Forces of the Philippines. Wala siyang kasalanan kundi ang mag-alay ng buong panahon para sa maralita at inaapi ng bulok na sistemang panlipunan. (2/13)
Mariing kinukundena ng Kadamay ang karumal-dumal na krimen na ito at muling nagpapakita ng brutal na katangian ng administrasyon. Sa ilalim ng pasistang rehimeng Duterte, ilang ulit nang nakatanggap ng Death Threat si kasamang Karletz. (3/13)
Paborito din siya sa mga surveillance operations ng AFP, pawang mga pamamaraan din para takutin ang lider masa.
Bago pa naging pangkalahatang kalihim si Karltez, nagsilbing National Spokesperson at National Vice-Chair nung 2009. (4/13)
Nitong huli, muling nakatanggap ng mga serye ng pagbabanta si Karletz. Ito’y habang nag-oorganisa siya ng mga manggagawa at maralitang lungsod sa probinsya niya sa Leyte. Sa Ormoc City pinuntahan si Karletz nung gabi ng ika-26 ng Mayo sa isang tinutuluyan niyang kubo. (5/13)
Pinahirapan si Karletz sa kalapit na dagat sa barangay Guintigui-an. Kinuha ang kanyang laptop ang cellphone bago siya barilin ng mga may sala. Nung ika-28 ng hapon natagpuan ang kanyang katawan, malapit sa dagat, puno ng sugat at may tama ng bala. (6/13)
Siya’y iniwang nakalibing nang mababaw sa buhangin. Nangyari ito sa panahon na niraratsada ang Anti-Terror Bill ng gobyernong Duterte, batas na magpapadali sa pagtugis, pang-aaresto at paniniktik sa lahat ng uri ng kritiko ng administrasyon. (7/13)
Higit na patunay ito kung paano lantarang tinatarget ng gobyerno at mga awtoridad ang mga lider-maralita at ang Kadamay. Sa buong bansa, talamak ang harassment, panloloko, pananakot, pananakit, pang-aaresto kasama ng gawa-gawang kaso at ang pagpatay sa mga organisador. (8/13)
Hindi naging ligtas si Karletz sa mga berdugo, at tiyak sa bagong panukalang patakaran, sinuman sa atin, lahat ng karaniwang tao ay hindi rin ligtas. Kahit pa sa panahon ng pandemya, nagpapatuloy ang kawalang hustisya at pamamaslang sa mga aktibista’t kritiko. (9/13)
Nung nakaraan, si Jory Porquia sa Iloilo. Ngayon, organisador at pambansang lider ng maralitang lungsod. Habang patungo na halos ang buong bansa sa GCQ, tahasang ginagamit ito ni Duterte para pagsimulan ng samu’t saring dagdag na porma ng panunupil. (10/13)
Ang paghihigpit ng mga pulis at sundalo, kasama ng Anti-Terror bill ang magiging sanhi ng mas marami pang pamamaslang. Hindi una si Karletz, at siguradong hindi rin siya ang huling magiging biktima ng rehimeng ito. (11/13)
Tuluy-tuloy kaming mananawagan ng hustisya at pagpapanagot sa mamamatay-tao, pabaya at pahirap na rehimeng Duterte. (12/13)
Alam na alam ni Karletz kung ano ang naidudulot ng malawakang sama-samang pagkilos, at sa diwa namin nais muling ipaalala sa sambayanan na kapag nagkaisa ang pinagsasamantalahan, makapangyarihan ang mahihirap! (13/13)
You can follow @KadamayNtnl.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: