My biggest regret in life

-a thread
I'm currently highschool student. I supposed to graduate this year kaya lang dahil sa pandemic 'di pa natutuloy and even graduation pic wala pa kami. I have good grades but during kinder to grade 5 I don't get any awards. Idk why haha.
I started to get awards when I am grade 6 and so on. Nakasama din ako ng journalism noong grade 6. I got 3rd place thanks to what they called beginners luck pero di na naulit yon. That was my first and last.
Every recognition, si mama yung laging kasama kong umakyat sa stage as in lagi. Pinagsisihan ko na sana pala kahit papaano inakyat ko man lang yung tatay ko sa stage. Nahihiya kasi ako non dati.
Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya eh napakagwapo naman ng tatay ko at marangal siyang nagtatrabaho. I'm so stupid. My father died because of a diease. He died na hindi man lang ako naiiakyat sa stage. Namatay siya na hindi man lang ako naisasayaw sa debut ko.
Sa tuwing nakikita ko yung mga pictures niya, naiiyak na lang ako bigla. Buti pa si ate naikyat siya stage. Sana ako rin. When my father died, hindi na ulit ako sumali sa journalism. Nawalan na ako ng gana magsulat.
Sobrang sakit isipin na yung sarili kong tatay 'di ko man lang naisama sa stage para sabitan ako ng medal. Kung natuloy lang yung graduation namin ngayon at buhay pa si papa. Sobrang saya niya siguro. Sana talaga naiiakyat ko si papa sa stage para sabitan ako ng medal. Sana...
-end of thread.
You can follow @lilililisaaaa.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: