—> penny of my thoughts
[
https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="❕" title="White exclamation mark ornament" aria-label="Emoji: White exclamation mark ornament">long tweet ahead]
[
• what’s so wrong cancelling the school year right now? hindi ba makita ni duque na sobrang risky pa para magkaroon ng klase knowing na araw-araw nadagdagan yung covid cases approx. 15k (still counting) lalo ngayong araw ang daming nadadagdag: 539 cases.
• while on the other side may mga estudyante pa ring ini-embrace ang traditional style kase bukod sa nakasanayan mas challenging ang pagbabasa at pagsusulat at the same time & mas onti ang attention span sa online.
• and to think of it, ph has the slowest internet connection in southeast asia yet deped are keeping an eye at online classes and other modular learning which involves radio, tv, wifi, cellular data. eh hindi lahat ng tao afford bumili o meron ng mga bagay na ‘yon
• i mean maraming may tv pero walang radyo, maraming may radyo na walang tv vice versa. for example, paano kapag may lectures na binibigay ang teachers tas sa radyo lang siya available paano yung mga estudyanteng tv lang ang gamit?
• sa internet connection naman. aware naman tayong lahat na not all of us afford na magkaroon ng subscription kaya others use mobile data as an alternative pero alam naman nating lahat na may kamahalan na ang surfing promos ngayon yun yung kailangan kasi
• we need a lot of mb’s para makapagsagot sa online test, makavisit sa iba’t-ibang website para maghanap ng references para sa topic/lessons. instead na ilalaan yung pera sa pambili ng mga nakalatag sa hapagkainan eh magtitiis muna sa gutom makapagpaload lang.
• tsaka yung blended learning hindi ba siya ganun ka-hassle? jusmiyo lahat naman ata ng estudyante ay mayroong iba’t-ibang preferences when it come to studying. yung iba mas nagi-excel sa online kasi mas nagi-enjoy sila pag visual learning & naboboringan sa manual/traditional.
• tsaka paano yung monthly evaluation kung sakali? eh sobrang delikado ang mass gathering, baka mas lalong dumami ang cases. kasi magmi-meet pa ang mga students and teachers paano na lang kung sa isang room eh 30 up to 40+ na kayo, paano maipapatupad ang social distancing?
• paano maipagpapatuloy ang pag-aaral kung sa una madaming mali? sa school kasi namin sobrang daming estudyante sa jhs - 40+ per section, while shs - 20+ per section and from what i’ve heard babawasan ang section ng strand namin kasi madami na paano na ang social distancing?
• maraming student ang magsa sacrifice para maipatupad ang social distancing. anong mabisang gawin? bawasan ang students bawat klase? magbawas na sched? magdadagdag ng room? or magroroom sa labas or sa ibang part ng school na hindi ganun kaganda ang learning ambiance?