Kapag nakabasa kayo o meron mang mga HATEFUL WORDS, pamba-bash kayong nababasa tungkol kay Maxinejiji, PLEASE BE REMINDED AND PLEASE SUNDIN NATIN ANG MGA SINASABI SA ATIN NI MAXINEJIJI.

A THREAD
"Do not argue with them. Do not argue with them. Do not argue with them. Kahit pa murahin ako ng mga iyan, e wala naman akong pakelam. I'm proud to say na mabuti nang hindi ako ang nagsasalita nang masama sa kapwa ko. Gumaganti naman ako kapag nasaktan ako nang sobra."
Kung ayaw nila ang isinulat ko, tapusin natin sa ayaw nila. Wag patola nang patola. Ipinaglalaban ninyo ako pero minsan ako mismo ay nagugulat sa mga salitang ginagamit ninyo. Wag ganon, okay?
Ang salitang respeto ay magmumula muna sa sarili natin bago magmula o makuha sa ibang tao. Kung ganon sila, wag ka nalang gumaya. Wag kayong makikipag-away. Wag magsayang ng laway at efforts makipagsagutan sa iba na hindi ako nagustuhan. Hindi ako humihinga para gustuhin nila."
Tigilan na natin. Kung hindi pa sila handang huminto, ibigay natin ang kalayaan sa kanila. Mas may oras silang magbasa at pumuna sa mga bagay na mali naman talaga at mali lang sa paningin nila.
Matuto tayong tumanggap na ang mga salita ko ay hindi para sa lahat. Na hindi lahat ng masarap sa panlasa mo ay ganoon na sa iba, o sa lahat. Hindi lahat ng maganda sa paningin mo ay ganoon na sa iba, o sa lahat. Hindi kailanman magiging ganoon yun."
Hindi nila ako nasaktan sa anumang paraan sa dami ng sinabi nila, so chill. Opinions aren’t facts, JIJIES. At hindi natin maaaring ibigay at asahan ang TAMANG pang-intindi at pagtanggap mula sa lahat.
Nagsulat ako nang hindi umaasang may magmamahal sa mga akda ko kaya hindi ko man lang ikinalungkot ang iilang bumabatikos kasi isa iyon sa mga napaghandaan ko."
Mas nasasaktan ako kapag nakikipag-away kayo, lalo na kung ako mismo ang nakakikita ng mali sa mga sinasabi ninyo. Kasi kaya kong isalba ang sarili ko, pero hindi lahat kayo ay mapoprotektahan ko. Hindi lahat ay nakikita ko."
Also, wag kayo makikipag-away sa ibang fandom and wag kayo makikisali sa issues."
Huwag kayong mag-alala dahil kaya kong idepensa ang sarili kong salita, kilos at akda, at iyon ay kung karapat-dapat ang atake. Madalang akong makipagpalitan ng salita, kadalasan pa, imbes na patulan sila ay hinuhukay ko lang ang pinagmumulan ng hugot nila.
Kung hindi ko makukuha ang sapat na sagot na pasok sa antas ng pag-iisip at pang-intindi ko, tinitigilan ko na. "
MAXINEJIJI RAISE US WELL. SHE TEACH US TO BE RESPECTFUL WITH EVERYONE AT ALL TIME WAG NATING AALISIN YAN.
You can follow @rachiepein.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: