Salamat, kasi iba kayo sa iba. 💖

@donnypangilinan @KissesDelavin
#DonKiss #DonKissFam (ctto sa pics)

-a thread-
- wala ito ang s/howbiz e. Promotion kung promotion. I-pupush ka talaga. Pipilitin talaga. Kasi business e, kailangang kumita. Pero salamat kasi hindi kayo "for promotion" lang.
- kaya ayaw mo man o hindi may mga artista na nagsusuffer talaga pati personal relationship nila. Wala e, ito kasi ang trabaho nila. Pero salamat kasi hindi lang kayo "kasi trabaho" lang.
- hindi kayo yung todo yakap, sobrang clingy, tapos sa huli magkaibigan lang pala. Hindi kayo yung maghoholding hands basta-basta tapos sa huli friends lang pala. Hindi kayo yung "oo" agad kahit "hindi" pala.
- maaring may mga nagkatuluyan dahil nagsimula sa ganito. Pero salamat dahil hindi kayo kabilang sa mga "nadala" lang.
- kaya marami ang kinikilig. kaya kahit cvs nagkakainteres. Kasi hindi sa salita, hindi sa hawakan, pero sa mga kilos niyo na akala niyo wala lang pero nakikita na naming lahat 💖
- NATURAL na NATURAL. Kinikilig kami, kasi ganun kami nung highschool sa crush namin, kasi ganun kami tumingin sa mga crush namin, kasi ganun kami magpigil ng kilig, kasi ganun kami magnakaw ng tingin. Natural. Hindi "pang artista" lang.
- Nasanay kami sa magka-lt na, gusto agad ang isa't-isa. Nasanay kami na after isang project, nililigawan na yung kapartner. Nasanay kami na sa unang pagsasama palang sa interview, "gusto" na nila agad yung kapartner nila.
- pero iba kayo e. Basag kami. Pero masaya kasi nakikita namin na totoo. Kinikilig kami kasi totoo. Nakita namin nung nagtwba kayo na awkward pa. Nagkakahiyaan. Medyo magkalayo.
- But the progress, wow. Salamat kasi hindi niyo pinilit. Salamat kasi naging honest kayo. At habang tumatagal, gaya ng sa totoong buhay, nagkakasundo na kayo sa maraming bagay.
- Ang dami niyo ng nadidiskubre sa isa't isa. Mas komportable na kayong tuksuhin ang isa't-isa. That's how friendship develops, right? Ganung-ganun. Again, natural.
- Ang daming bagay ang hindi niyo masabi. Siguro iniisip niyo na "baka mali, baka masyado pang maaga". Kaya yung,

- I miss you dapat,
naging "Oo nga ang tagal mong nawala" ,
naging "Namiss ko yung mga taong tumitingin"
- Edited man ang mga pics minsan, kasi wala kayong magka-kiss (😂), walang magyakapan, pero sulit na sulit kami sa mga pictures niyo na mata palang ang tingnan, alam na namin na ang saya niyo sa isa't-isa.
- To K,
Salamat kasi hinayaan mo siyang kilalanin ka. Kasi binigyan mo siya ng pagkakataon na maging kaibigan ka, kahit na ang sabi mo nga mahirap makahanap ng kaibigan sa s/howbiz.
- Salamat kasi kahit na may wall ka na sinet, hinayaan mo siya na akyatin yun. Hinayaan mo siyang pasayahin ka. Hinayaan mo siyang alalayan ka, hinayaan mo siyang ipakilala sayo ang sarili niya.
- Kasi kahit na alam ko na mahirap para sayo na magtiwala ulit, nagrisk ka, sinubukan mo ulit. Okay na kami sa binigyan mo siya ng pagkakataon at kahit na takot ka, pinapasok mo siya sa buhay mo 💖
- To D,
Kahit na palagi ka naming tinutukso na ang bagal-bagal mo, pero salamat kasi hindi ka nagmamadali. Salamat kasi nirespeto mo yung priorities niya, pangarap niya, at "right timing" para sa kanya.
- Salamat kasi kinilala mo muna siya. Kasi hinayaan mo siyang maging siya kapag kasama ka niya. Salamat kasi minahal mo yung pagiging inosente niya.

- Madaldal siya sayo na patunay na binigyan mo siya ng mga tainga na handang makinig kahit gaano kalutang na ang kwento niya.
- Salamat kasi sinamahan mo siya sa maraming awkward questions na binabato sa inyo. Salamat kasi sinasalo mo siya.

- Salamat kasi binalik mo yung saya at tiwala niya sa mga katrabaho niya. Ipinakita mo sa kanya na chivalry is not really dead.
- Salamat kasi you stand for her and the team-up even if it means losing some of your solids, ipinagtanggol mo pa siya sa kanila. Salamat dahil naging totoong gentleman ka sa kanya.

- Dahil sa naging trato mo sa kanya, narealize ko that, Respect is the greatest form of love.
- Salamat kasi binigyan niyo ng pagkakataon na kilalanin at maging kaibigan ang isa't-isa.

Salamat kasi iba kayo sa iba 💖
#DonKiss #DonKissFam
- That's why we are not delusionals. We cling to all these things with faith. 'Cause their genuine friendship deserves to be restored. It deserves a comeback 💖

#DonKiss #DonKissFam
You can follow @ibelieveDK.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: