Unahan at hulihan

Hanggang ngayon ay nasa pagitan parin ako ng limos at limot.

Nanglilimos ng iyong atensyon habang sinusubukang kalimutan ka.
Nasa pagitan parin ako ng tawag at tawad. Patuloy na tinatawag ang iyong pangalan habang humihingi ng patawad sa'king puso dahil ikaw parin.
Ngayon ay nasa pagitan tayo ng bukas at kahapon. Hindi mapakali kung pakakawalan ang kinabukasan para balikan ang nakalipas nang nakaraan.

Ngayo'y nagbabadya na ang iyong mga mata, nasa pagitan na ng pagpapa-alam at pagpapaalam.
Uunahan nalang kita, alam ko nang ika'y lilisan.

Nandito nanaman sa pagitan ng pagbitaw at pagkapit. Unti unti kang bumibitaw sa aking bisig habang nakakapit parin ako sa natitirang sana.
Isang letrang nabago ang pumagitan. Tama pa o tama na. 

Tama pa bang mahalin kang lubusan ng puso ko kahit sabing, "tama na" ng aking isipan?  

— A
You can follow @_sadaurea.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: