Jason Ignacio, a stay-in security guard, tries to hitchhike along Commonwealth Avenue in Quezon City. He says he had hitched a ride from 5 different motorists from Shaw Blvd. He’s trying to get home to North Caloocan. | via @tinapperez
DOH's Dr. Eric Tayag's advise to drivers picking up hitchhikers: Kailangan meron kang extra mask para naman 'yung sasakay, kung walang mask o sira na 'yung mask ay mabigyan mo ng mask. Mas maganda kung meron ka na ring mga alcohol, sanitizers sa loob. | @tinapperez
Tayag: Siguro magsulat ka na sa isang paskil kung ano ang rules mo sa pagsakay. Tikom ang bibig. Walang magsasalita. Gamitin 'yung sanitizer. Magsuot ng mask. Huwag magtatapon ng anumang bagay sa loob ng sasakyan. | @tinapperez
Tayag: Manatiling ang mga kamay ay nasa may hita para hindi kung ano-ano ang hinahawakan. At kung meron mang dadalhin 'yung hinitchhike mo, nasa likod. Ilalagay mo sa sasakyan. Huwag kalimutang kasama 'yon sa lilinisin mo. | @tinapperez
Tayag: Hanggang dalawa lang. Huwag ka nang magsasakay sa tabi mo. Sa likod na lang sila. | @tinapperez
Tayag: 'Pag may araw lang. 'Wag sa gabi. Sana kung maghahatid ka ay hindi 'yung lalagpas ng isang oras, nasa biyahe pa rin kayo. Kasi ibig sabihin niyan, matagal kayong magkasama. | @tinapperez
Tayag to hitchhikers: I-ready n'yo 'yung pass n'yo para nang sa ganun ay 'pag hinihingi, naka-ready kayo. At 'wag kayong lalabas kung meron din kayong sakit. Hangga't maaari, magdala kayo ng sarili ninyong mask at may sanitizer din kayo. | @tinapperez
Joint TF COVID Shield Chief PLtGEN Guillermo Eleazar: Kung maaari sana doon sa lugar, in a way talagang merong establishment like, for example, gas station (magsakay ng hitchhiker). | via @tinapperez
Eleazar: Itong driver, tanungin kung 'yung sasakay ba is an authorized person outside of residence sa existing na quarantine status. Kasi baka dagdag na problema pa yon pagdaan mo sa checkpoint. Itong driver naman natin, dapat ay authorized ka rin pag nasa labas ka. | @tinapperez
Eleazar: We should protect ourselves. Alam mo 'yung pepper spray, napakaganda noon. Anything could happen na puwedeng magkaroon ng krimen na ang gumawa niyan is either 'yung driver o 'yung hitchhiker. | via @tinapperez
Eleazar: 'Yung ating hitchhiker eh mapicture-an man lang itong plate number ng sasakyan for your own protection. | @tinapperez
PNP Spokes PBGen Bernard Banac on taking photos of the driver or the hitchhiker: Dapat ay may consent din. | via @tinapperez
Banac: Bago man lumarga ay mahalaga na ipaunawa na gagawin natin for precautionary measure lamang. Hingin pa rin natin ang pahintulot. | @tinapperez
Banac cited hitchhiking-related case in late March or early April: Isang nagmagandang-loob, pinasakay niya ang isa o dalawang suspect na nakasuot ng personal protective equipment at ang ginawa pala ng mga iyon ay hinoldup ang driver noong sasakyan. | @tinapperez