Storytime: Nung medj nainis saken yung doktor sa derma.

Nagkaron kase ako ng skin disease nung shs ako na sobrang makati tapos eto si ako busy sa pag aaral at byahe at ayaw nang dumagdag sa gastusin kaya nag self medicate at hindi nagpacheck up. Akala ko kasi non alam ko na
lahat kasi sinearch ko na sa internet at natagpuan ko naman kung ano sya (di ko na sasabihin kase isa yon sa mga insecurities ko haha). Yun nga kung ano anong pinahid ni gaga sa balat nya. Tapos yon may gumana naman pero bumabalik paren sya so eto ako nangati ng one and half year
Hanggang sa di ko na nakayanan kase nairita nako pabalik balik pumunta nako sa derma sa PGH kase nagchecheck up pa non si mother earth kasi chinecheck kung bumalik ba yung cancer nya or whatnot eitherway yon nga nagpacheck up ako. Tas nung nandon nako chineck na yung balat ko.
Tas yun nga parang ngang ringworm daw tas tinanong ako kelan pa daw sabi ko mga last year po siguro (peromagtwotwoyears na ata haha) tas medj nagulat sya last year na pa daw pala bat ngayon lang nagpacheck up tas sabi ko kasi po busy sa pag aaral at ayaw nang dumagdag sa gastusin
sa gamot ect. Tas yon nga tinanong nya anong mga pinang gamot ko tas sinabi ko na tas nagulat ulet sya kase yung gamot pala na pinapahid ko ay may steroids daw yung gamot na yon na nagpapawala ng sakit ko for short period of time pero mas ginagawa nong immune yung bacteria sa m
sa mismong gamot kaya lumalala. Tapos yon na nga sermon abot ko na sabi na pag feeling mo may sakit ka pa check up ka na kasi di naman daw normal yung may ganon ka sa balat e hindi naman lahat ng tao may ganon baka daw makahawa pako or something. Tapos sabi wag daw mag self
medicate and shit kase mas mabuti pa rin daw pumunta sa doctor kase sila yung may alam baka mamaya mas lalo pang lumala pag nakinig kayo sa iba at nag self medicate. Next time daw magpacheck up agad. So yon nga lesson learned na. Dont self medicate at magpacheck up kung may
nararamdamang kakaiba sa katawan mo kasi in the end it is for your safety and for others too since napapalibutan ka ng taong pwede mong mahawaan. End of thread. Don't self medicate mga bata.
You can follow @heyitsmeferds.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: