magkaiba yung "hindi showy" sa "walang pakialam".

a thread;
madalas na sinasabi ng ibang tao na "walang pakialam" yung isang tao kapag pakiramdam niyang hindi siya napapahalagahan o hindi napapakita sa kaniya yung affection ng isang tao.

pero hindi naman kasi lahat ng tao, showy.
may mga tao kasing "sa ibang way" pinapakita yung pagpapahalaga sa'yo, hindi mo lang nakikita kasi nakafocus ka sa "atensyon" o "effort" na gusto mong makita sa isang tao.
gusto mong pahalagahan ka ng isang tao sa way na "ganon" pero hindi mo siya nakitaan don kaya inisip mo agad na walang pakialam.

minsan kasi, lawakan mo rin yung perspective mo.

huwag ka lang magfocus sa gusto mong maramdaman, tignan mo rin yung iba pang ginagawa niya.
gusto mo ng showy, gusto niya ng lowkey

edi syempre, anong ie-expect mo? iparamdam niya sa'yo sa paraang hindi niya naman gusto?

hayaan mo na lang kasi as long as hindi ka naman naaapektuhan o nasasaktan.
oo, siguro nadidisappoint ka kapag hindi niya na-meet yung expectation mong maging ganon siya sa'yo.

pero tignan mo rin na nag-eeffort pa rin siya para sa'yo in a way lang na hindi masyadong pinapahalata, pero nandun pa rin yung totoong feeling sa'yo.
basta lagi mong tatandaan na magkaiba yung "hindi showy" sa "walang pakialam"

minsan kailangan mo lang maniwala na kung talagang mahal ka nung isang tao, mahal ka nun.

huwag ka lang masyadong mag-expect na same kayo ng level ng pagpapakita para hindi ka mabigo.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: