Hindi ako nakapagpaalam at nakapagpapicture for the last time sa mga student ko so dito ko na lang iiwan yung mga pabaon kong final words sa inyo ❤️

To ABM 1, 2, 3, 4, 5, 6, 8, 12, 16 BATCH 2020...
-a thread-
Isang tanong, dalawang bagay:

BAKIT?

Una, bumalik ka sa pinakamalalim mong "Bakit?" Kapag ubos na ubos ka na, kapag dumating ka na sa puntong ayaw mo na at hindi mo na kaya, bumalik ka sa pinakamalalim mong "bakit".
Siguro parehas tayo na nagsimula kasi wala namang choice kundi simulan 'to - dahil kung hindi, wala rin naman tayong pupuntahang iba. Pwede ring sinimulan mo kasi yan yung sinabi sayo ng mama mo.

Kapag hindi mo na kaya... BAKIT? Bakit mo pa pinagpapatuloy? Pangarap? Pamilya?
O simple lang, dahil masaya kang kasama kung sinuman yung mga nakilala mo sa pinili mong landas.

Kapag nasa dulo ka na't wala nang mitsang natitira para sindihan sa dati mong apoy noong nagsisimula ka pa lang bumalik ka sa pinakamalalim mong "bakit?"
BAKIT MO KAILANGANG TAPUSIN? Gusto mo nang mabili yung mga gusto mong bilhin para sa sarili mo?Para makapagtravel ka na? O kasi, ayaw mo nang makitang nahihirapan sina mama at papa?

Kung anumang bakit mo, gawin mong lakas para tapusin lahat ng pinili niyong simulan.
Pangalawa: "BAKIT?"

Sa mga susunod niyong gagawin, don't ask why. Do it first and let your experience tell you why you needed to do it. Sabi nga ni Steve Jobs, "you can only connect the dots backward"
- na hindi lahat ng paggawa ay papunta sa iisang rason. It's not always the whys that will give us the reason do something. Why nots make us avoid all the what ifs in life. Kaya kung mayroon kayong privilege, money, time, get all them freaking breadsssss.
Do not slack off. YOLO responsibly.

At the end of it all, hindi mo na kailangan magtanong kung bakit mo kinailangang gawin yun lahat. The end point will tell you all of the "because" when you get there. Then you connect your dots backward.
This may sound absurd but this is the doctrine I'm leaving you all.

Ask your deepest "why" and do not always ask "why?"
Ngayon pa lang congrats na, mga Thomasian CPAs, Business Leaders, Entrepreneurs, etc. Kung saan man kayo mapunta, please always be reminded that you are all my pride forever.

Lots of love,
Gai ❤️
You can follow @gaibautista.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: