—pamilyang hindi ko hiniling (a thread)
—(1) namulat ako sa isang masayang pamilya, wala pang problema, walang gulo. Sobrang saya namin, lalo na pag nakikitang nagsasayaw sila mama at papa sa kantang parehas nilang paborito..
—(2)tamang asaran lang kami ng kuya ko, sobrang close namin sa isat isa. Naalala ko noon na sabi nya na kapag may umaway sakin sa school, ipagtatanggol nya ako. Hindi nya hahayaang masaktan ako ng ibang tao, na prinsesa nya ako..
—(3)ang saya ng pamilya ko non, kahit na kapos sa pera hindi namin iniinda yon, wala nakong ibang hinihiling kundi yung hindi pagkasira ng pamilya ko. bata palang ako di ako humiling ng laruan at materyal na bagay sa birthday ko kundi magstay kami na kumpleto at simpleng pamilya.
—(4)sobrang saya namin non to the point na di na namin kailangan lumabas o mamasyal, kasi sa bahay lang kami nag bobonding. Di kumpleto yung araw na hindi kami nagkakantahan nagsasayawan sa loob ng bahay. Wala, puro saya lang. Napakasaya...
—(5) hanggang sa isang araw, first time kong marinig sila mama na nagtatalo sa hindi ko alam na dahilan. Inisip ko na baka mababaw lang, na hindi maapektuhan pamilya namin...
—(6)isang araw, gumising ako na walang naririnig na musika. nakasanayan na kasi nila mama na every morning, mag papa music sila, which is yung mag bibigay samin na good vibes sa umaga. Wala na ding maaamoy na kape at tinapay na naka handa sa lamesa..
—(7)araw-araw sa bawat pag gising ko nagtataka ako kung bakit parang nawawalan na ng sigla, si mama at papa magkahiwalay na ng higaan, hindi na din kami sabay sabay kumain, wala ng halik kay mama kapag uuwi si papa galing trabaho, wala na, nawala na..
—(8)yung dating kantahan at sayawan namin, napalitan na ng sigawan, sumbatan minsan nagmumurahan pa sila. Na witnessed namin ng kuya ko lahat ng yan. Wala na yung masayang pamilya, wala na yung tinitingala kong mga magulang, nagbago na..
—(9)hanggang sa kami ng kuya ko, nasanay na sa ingay ng bahay. Ingay na na nangagaling sa sigawan ng mga magulang namin. Pati kami ng kuya ko nagsasagutan na din, nagkakasakitan. Minsan na lang din kami magpansinan. Nadadamay na din academics namin, nawawala na din sa focus..
You can follow @itsme_mayoo.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: