🇵🇭 Pasma thoughts in Filipino
* Totoo ang pasma dahil nararamdaman ito ng mga pasyente. Pero iba-iba ang itsura nito, depende sa tao.
* May ginawa kaming research noong 2008 na inalam kung ano ang mga sintomas na nararamdaman ng mga labandera na nagsabing may pasma sila. 1/
* Sinabi ng mga sumali sa pag-aaral namin (Jara et al., 2008) na mas nararanasan nila ang pasma kapag pagod sila at nagbabago-bago ng temperatura sa kanilang trabaho (init-lamig)
* Ang karaniwan nilang sintomas: pamamanhid, pagpapawis ng kamay/palad, at sakit/kirot sa kamay. 2/
* May mga test para sa study participants upang alamin kung may pagkakaiba ang resulta ng mga nagsasabing may pasma sila, at sa mga wala.
* May nakita kaming pagkakaiba sa orthostatism, o ang pagbabago ng BP sa paghiga at pagtayo ng tao. Mas mataas ang BP ng mga may pasma... 3/
...matapos nila gawin ang orthostatism test. Ibig sabihin, may posibilidad na apektado ang kanilang autonomic nervous system, na maaari ring makadulot ng pagpapawis, pamamanhid, at iba pang mga sintomas.
* Karaniwan, ang payo ko sa mga pasyenteng pinapasma, obserbahan ang... 4/
...sintomas, at ipagpatuloy ang mga maintenance na gamot para sa high blood, diabetes o sakit sa thyroid. Minsan nagbibigay din ako ng Vitamin B complex at naghihilot kung kailangan.

Anumang ikagagaan ng pakiramdam ng pasyente na sa abot ng makakaya ng doktor, gawin natin. 5/
Sa mga interesado, heto ang kopya ng aming pag-aaral na ipinublish noong 2008. https://app.box.com/s/6gmb8kdfo8a75j8frag1eflonwfwk1qb

Kailangan pa ng pananaliksik ang pasma at iba pang mga paniniwalang pangkalusugan, upang mas makatulong tayo sa mga kababayan nating nakararanas nito. 6/6
You can follow @jimlopez875.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: