Ano ba ang mayroon tayo? — A thread
Ano ba ang meron tayo? Pwedeng pakilinaw kasi medyo magulo? Kaibigan kita& #39;t kaibigan mo ako, ngunit hindi lang & #39;yon ang nakikita ng ibang tao.
Mahal-aga ka sa akin, mahal-aga ako sa& #39;yo. Ligaya ang nadarama kapag tayong dalawa& #39;y nagsama; ligaya na hindi ko madama sa piling ng iba.
Nandiyan ka palagi para sa akin, at ganoon din naman ako sa& #39;yo. Ngunit parang may mali, parang higit pa rito ang gusto mo.
Sa t& #39;wing tayo ay magkasama, randam ko na sa& #39;yo, ako ay may halaga. Unti-unti ko na yatang naiintindihan, kahulugan ng tunay na kaligayahan.
Ano nga ba ang mayroon tayo? Kaibigan ang sagot ng isip ko, ngunit iba ang sigaw ng puso ko. Ako lang ba ang nakakaramdam nito, o nagpapadala lang ako sa bugso ng damdamin ko?
Kung higit pa sa kaibigan ang nais mo, bakit hindi mo iparating sa akin ang nararamdan mo? At kung kaibigan mo lang ako, bakit ka pa nagbigay ng motibo?
Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng ganito— na higit pa sa kaibigan ang turing mo. Kaya& #39;t huwag kang magtaka kung bakit maraming nahuhulog sa& #39;yo, kasama na ako.
Ngunit wag mo kaming sisihin, sapagkat kami ay nabulag mo. Binigyan mo ng isang huwad na katotohanang kami ay mahalaga sa& #39;yo. Sapagkat kung kami& #39;y mahalaga, hindi mo gagawin ito.
Ano nga ba ang mayroon tayo? Sana bago ko pa malaman ay sabihin mo na ang totoo. Upang masira ko na ang ilusyong sa huli ay ikaw at ako.
Sa mata ng iba& #39;y tayo& #39;y nag iibigan, sa ating dalawa& #39;y may harang na ang tawag ay "pagiging kaibigan". Gayunpama& #39;y & #39;di na tayo maaaring bumalik sa umpisa, sapagkat & #39;di mababawi ng paumanhin ang bawat patak ng luha.
Para sa malabong ugnayan na & #39;di malaman ang kahulugan — ano nga ba ang mayroon tayo?
- End of thread -
- End of thread -