Ang pagpupumilit ng pagbubukas ng mga klase sa gitna ng pandemya habang palpak ang gobyerno ni Duterte sa paglulunsad ng pinakakinakailangang mass testing ay magdudulot lamang ng kapahamakan sa mga estudyante, kawani, at manggagawa ng mga unibersidad! #MassTestingNowPH
Dahil milyon-milyong Pilipino ang nawalan ng kabuhayan ngayong lockdown, mas lalong hirap ang mga estudyanteng tustusan ang kanilang pag-aaral. Hindi makatarungan ang pagpipilit sa "new normal" na hindi nakabalangkas sa kaligtasan at kagalingan ng mamamayan. #NoToOnlineClasses
Dagdag pa rito, anti-mahirap ang nakaambang paglulunsad ng "online classes" sa paparating na mga buwan dahil bukod sa hindi nito pagiging aksesible sa maralita, mas lalo lamang magiging tali ang kabataan sa neoliberal na edukasyon.

#NoToOnlineClasses
Hanggang patuloy ang pagmamatigas ng administrasyon ni Duterte sa pagsasagawa ng mass testing at nananatiling mabagal ang pagresolba sa usapin ng kalusugan, kabuhayan, at karapatan ng mamamayan, mas lalo lamang malalagay sa kapahamakan ang buhay ng mamamayan. #MassTestingNowPH
You can follow @gabrielayouthph.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: