Healing is a process. 'Wag mong madaliin.

- a thread
Di mo kailangan humanap agad ng bago para lang masabi mong okay ka na. Trust me, makakasakit ka lang.
Kung ikaw mismo hindi pa naghihilom mula sa sakit, 'wag ka muna magmadaling maghanap ng iba. Kasi ang mangyayari, 'yong sakit na nararamdaman mo, dadalhin rin nila.
Ayusin mo muna sarili mo. kailangan ikaw mismo bubuo ulit sa sarili mo. Hindi puwedeng ibang tao ang gagawa non para sa'yo. Kasi doon pa lang, talo ka na.
'Wag ka ma-pressure sa sinasabi ng iba. 'Yung sinasabi nila na single ka pa rin kasi 'di ka pa nakaka-move on talaga? Hello? Required ba magkaroon agad ng bago? Kahit ilang taon ka ng single, okay lang 'yan. Advantage mo 'yan.
Kapag madami ka nang naipon na pagmamahal sa sarili mo, hindi ka na matatalo kapag nagmahal ka ulit ng iba. Kasi okay nang mawala lahat sa 'yo, 'wag lang ulit 'yong sarili mo.
Dadating 'yong araw na susugal ka ulit. Pero by that time, alam mo na kung paano magtira para sa sarili mo.
Take your time lang. I-Invest mo na lahat ng puwede mong i-invest sa sarili mo. Kapag natutunan mo nang mahalin 'yong sarili mo, trust me, kakayanin mo ulit lahat nang ibabato sa 'yo ng mundo.
You can follow @TianaVianne.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: