"sa ngayon, sarili mo muna."

a thread;
self-love na muna. sarili mo muna 'yang i-priority mo. magpahinga ka muna. ihanda mo muna 'yang sarili mo para sa susunod na taong mamahalin mo.
mahalin mo muna 'yang sarili mo. libangin mo muna 'yang sarili mo kasama friends o family mo, 'wag muna mag lovelife para makaiwas muna sa heartaches o heartbreaks.
"self-love is different from being selfish"

hindi porket pinili muna ang sarili, makasarili agad. may limits din naman ang mga nagmamahal kaya kailangan rin nila ng pahinga at time para sa sarili nila. ---
--- ang self-love kasi, kahit mahal mo yung sarili mo, may pakialam ka pa rin naman sa nararamdaman ng ibang tao kaya't hindi mo sila magagawang saktan.

hindi ka gagamit ng tao para sa sariling kapakanan.
iwasan muna ang mag-expect nang mataas sa isang tao, pigilan muna ang mahulog nang sobra sa isang tao.
masyado kang nagmahal at nasaktan dun sa nakaraan mo, oras naman ngayon para bumalik onti-onti sa dating ikaw.
buuin mo onti-onti 'yang sarili mo hanggang sa maging ready at prepared ka na sa susunod na magmamahal ka ulit.
kung magmamahal ka ulit, siguraduhin mong yung "nakaraan" mo ay hindi makakaapekto sa pagsasama ng magiging future mo.

ready to commit, fully moved on.
kung magmamahal ka ulit, dapat wala ka ng pag-aalinlangan, walang nagho-holdback sa'yo na sumugal ulit sa pag-ibig.
kung magmamahal ka ulit, dapat may maitira ka ng pagmamahal para sa sarili mo.

atleast kung sakaling maulit yung sakit o biglang mawala ulit, naisalba mo 'yang sarili mo.

kung magmamahal ka ulit, dapat mas mahal mo na 'yang sarili mo.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: