“Why JuliElmo and Why did I stay?”

JuliElmo, sila lang kasi yung tandem na nagparamdam sakin ng iba’t ibang emotions na never kong naramdaman sa iba. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ko sila mabitawan.

@TeamJuliElmo_ #JUL1ELM0
I didn& #39;t know JuliElmo was existing back then because i was then, a fan of AlDub. But because of them, don ko nakilala si Julie. Bumili ako ng libro tungkol sa kanila and may nabasa ako tungkol kay Julie non. As a mere fan naging curious din ako kaya I started searching++
Everything about her until I found myself watching their prods in Party Pilipinas. From way back 2015, wala na ang JuliElmo non, so hanggang Youtube na nga lang ako but still may something pa rin talaga sa kanila na ibang kilig kumbaga or iba talaga ang feeling.
Then 2016/17, ito yung year na nagstart ako maging sobrang adik sa kanila. Naging mas updated ako tungkol kay Julie kesa kay Elmo. Pero mas naging matatag yung pagmamahal at pagsupport ko sa loveteam nila noong nagkaroon ng balita na magkakasama sila sa iisang event. Yung MMA.
Iyon yung first time na naramdaman kong naging fan talaga ako ng JuliElmo. Kasi iyon din yung first time na nakisali ako sa trend. Not knowing na dahil sa pagsali ko sa trend na yon may makikilala akong bagong tao na naging friends ko na rin dahil sa JuliElmo.
From then on, naging bukambibig ko na ang JuliElmo kahit sa school!! Yung mga kaklase kong takang-taka kapag binabanggit ko ang “JuliElmo” tapos mapapa-irap ka na lang. Pero dahil nga sa bukambibig ko sila, nakilala na rin sila ng mga classmates ko.
Na-try ko na ring mag lie low sa kanila, pero hindi ko talaga kaya. May mga taong nagsasabi na “Mag blackpink ka na lang.” “Masasaktan ka lang diyan.” Honestly, hindi ko rin alam kung bakit. Siguro watching their past prods still gave me the same vibe or ibang klaseng intensity.
Na kahit anong gawin mong paglie low, pag tutuon ng interests sa ibang bagay at sa ibang artists, may magic sila na mahahatak ka pabalik. Ngayon lang ako napatanong sa sarili ko na, bakit nga ba ako nag-stay? Narealize ko kasi na, sana magawa ko ring mapanood sila ng live.
For a fan na hindi naabutan si Julie at si Elmo, yun na siguro yung pinakadream ko bilang isang JE fan. Nagstay ako kasi gusto ko ring maranasang umiyak sa sobrang saya at tumili dahil sa sobrang kilig kasama ang mga naging kaibigan ko at ang mga ates kong never ko pang na meet.
Nag stay ako kasi gusto kong makitang magkasama ulit sila sa iisang stage. Nag stay ako kasi gusto kong masaksihan si Julie at si Elmo na nagpeperform. Nag stay ako para someday, maranasan ko lahat nang whispered na sana ko everytime i hear their tandem. Not now, but soon.
You can follow @_jlorraine_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: