Napakasimple lamang ng impormasyong nakahandog sa atin kaya medyo nahihiya akong hindi natin ito agad napansin.
1. Hindi siya mamatay-matay. Tinangkang patayin ni Senku? Ayos lang. Sinaksak ni Hyoga? Buhay pa rin. In short, tila isa siyang imortal.
1. Hindi siya mamatay-matay. Tinangkang patayin ni Senku? Ayos lang. Sinaksak ni Hyoga? Buhay pa rin. In short, tila isa siyang imortal.
2. Noong una na silang nag-away nila Senku, tinangka siyang panain nito gamit ng ginawa niyang crossbow na sobrang bilis pero nagawa niya itong iwasan. At sa nakita natin sa kabanata 149 ng manga, hindi rin siya natatamaan ng bala.
3. Ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan na Shishio Tsukasa ay "Hari ng mga Leon". At kung nakukuha niyo ang aking ipinapahiwatig ay dapat ko na rin sigurong sabihin na ang pangalang Cardo Dalisay ay nangunguhulugang "Purong Hari".
Ninais ni Tsukasa na gawing puro ang mundo sa unang parte ng kuwento ng Doktor Bato na mas nagpapatibay sa ugnayan ng dalawang pangalan maliban sa presensya ng salitang "Hari" sa kanilang mga pangalan.
At ngayong naipresenta ko na ang ebidensiyang sumusuporta sa aking natuklasan, maari kong nang wakasan ang sinulid na ito sa aking konklusyon na si Cardo Dalisay at si Tsukasa Shishio ay iisang tao lamang.
Si Tsukasa ay Ang Probinsyano at hindi nagtatapos ang kaniyang kuwento dahil sa pagsara ng ABS-CBN Corporation. Walang makakapigil sa kaniya, at walang katapusan ang kaniyang kuwento.
End of thread.