EVERYTHING WILL BE ALRIGHT, YOU JUST HAVE TO TRUST THE PROCESS :>

Kung meron ka mang nararamdamang hindi maganda, nalulungkot man, nasasaktan, nawalan, nahihirapan o kung ano man na nagpapabagabag ng iyong kalooban, gusto kitang tulungan.

Tuloy ka lang sa pagbasa....
Gusto ko lang malaman mo na maaayos din ang lahat. Magiging payapa din ang lahat. Lahat ng nararamdaman at nararanasan mo ngayon ay may kapalit. May dahilan. May patutuguhan. Gusto kong isipin mo na kahit ganito man ang meron ka, pagkatapos nito'y magiging ayos ka

+
Na sa bawat kakaharapin mong problema, lahat yon ay may solusyon. Sa bawat kadiliman na iyong madaanan, may liwanag ka paring madadatnan. Wag kang panghihinaan. Malungkot man ang buhay sa ngayon ay hindi ibig sabihin na magiging malungkot din ang buhay sa pagtagal ng panahon

+
Lahat ng bagay ay may katapusan, katulad ng mga problema. Matagal man ngunit umasa ka, mali, MANIWALA KA. Maniwala kang lahat ng sakit, pait, kirot, hinagpis na pinagdadaanan mo ay matatapos din at pagkatapos nito'y, ika'y muling pagpapalain.

Maniwala ka sa Kanya

+
Siya ang meron tayong lahat na magpapatibay, magpapasigla at magpapaayos ng ating mga buhay. Wag kang mawalan ng pag-asa. Wag kang susuko.

Katulad nga ng sabi ni Sejun sa kantang ikako, "takot sa puso'y alisin, lahat ng to'y lilipas din, WALANG PAGSUBOK NA DI KAKAYANIN".

+
Kaya kapatid, kapit lang. Wag na wag hahayang madala sa lungkot ng buhay. Matatapos din yan. Ngiti na ha? Laban lang!!!

"Everything happens for a reason".

- Mark
You can follow @fanboytwts.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: