“ampon lang ako”

a thread ;
bago ko simulan to eto din yung dahilan bakit nandito ako sa Laguna ngayon
Simula ng pag dilat ng mata ko sa mundo na to isang lalake lang ang nakilala ko sa buhay at wala akong nanay na nakilala sa buong buhay ko ngayon, sa lahat siya ang kasama ko tinawag ko siyang "Papa" sa saya, lungkot, tawanan, iyakan siya ang nandyan sakin sa loob ng 12 years.
12 years ko siya naka sama sa lahat kasama ang mga kapatid niya, sa loob na 12 years na yun puro lalake ang nakasama ko, mga tauhan, mga tito, at higit sa lahat si papa. Binigay niya lahat sakin ng luho at buong pag mamahal.
Masaya kame sa kung anong meron kame sa dami namin pinag daanan, naluge ang business, nag away away sila mag kaka patid, kailangan namin makitira sa ibang tao, sa loob na 12 years na yun kame lang mag kasama sa hirap at saya. Kameng dalawa lang
2014 may nag message sakin sa facebook na babae kaya pinakita ko kay papa yun para sila ang mag usap. 12 years kame sa Baguio doon talaga kame naka tira
Isang araw sabi sakin ni Papa pupunta daw kame ng Laguna para bisitahin isang tito ko na matagal na daw ako hinahanap at nung gabi na din yun nag inom si papa alam ko na hindi siya okay.
Pumunta muna kame n Manila para puntahan yung nanay ni papa dito na akp naka ramdam ng takot kase umiiyak si papa sa harap ng nanay niya hindi niya alam ang gagawin, that time umiyak din ako ng umiyak ng hindi ko alam kung bakit.
Madaling araw ng bumiyahe kame papuntang Laguna, sa buong biyahe naka yakap lang sakin si papa, tinanong lahat ng gusto, sabihin ko din daw sa tito ko lahat ng paborito ko mga hilig ko doon ko na napansin ang pag iyak ni papa habang naka yakap sakin.
tangahali ng maka dating kame ng Laguna, hinding hindi ko makakalimutan to, niyaya ako ni papa kumain sa jollibee doon sa medical kung saan kame bumababa, doon na bumuhos luha ni papa habang tinitignan ako kumain, tinanong ko siya kung ano problema,
Ang lumabas lang sa labi niya "nak lage mo tatandaan minahal kita ng sobra at sobrang proud ako sa kung ano man mararating mo" tumango lang ako noon at pinag patuloy ang pag kain.
Sumakay na agad kame ng tricycle malayo daw ang sakayan ng jeep papunta sa bahay ng tito.
Sumakay na kame ni papa sa tricycle doon na niya humigpit ang yakap ang umiyak ng sobra hindi ko alam kung anong problema kase bibisitahin lang naman namin tito ko eh
Bigla na lang ako nagulat nung sinabe niya na " nak kahit ano manyare ako pa din papa mo ha" nginitian ko lang siya nun habang naka yakap ako sakanya
Buong biyahe naka yakap lang siya sakin ng parang wala ng bukas.
Hanggang sa makarating kame sa bahay ng tito ko. Nagulat ako kase ang daming tao na may handaan pa at lahat sila kitang kita ang sayaaa ng makita ako habang si papa hindi mapinta ang muka
May isang babae na yumakap sakin, yung babaeng kausap ni papa sa Facebook. Niyaya niya kame sa bahay nila at sinabe na pupunta daw kame sa resort kase nandun daw ang handaan
naki laro ako, nakisama ako sa mga bata na mga pinsan ko daw hanggang sa sinulit ko na lang yung oras na yun na mag saya. Habang si papa pinapanood lang ako habang kausap mga tao
Nung gabi na doon daw kame matutulog sa bahay ng tito ko, nasa isang kwarto kame ni papa nag kulitan, nag asaran. Bigla naging seryoso ang lahat at kailangan daw ako kausapin ni papa ng matino dito na nag simula durugin puso ko.
lumapit sakin si papa na umiiyak at hindi alam sasabihin ang naintindihan ko lang nung araw na yun "nak hindi talaga ako yung papa mo, pumunta tayo dito para ipakilala ko sayo tunay mong papa" hindi ko maintindihan noon gulong gulo ako. May isang tao na pumasok ng kwarto,
Tinuro siya ni papa at sinabe na " nak siya yung tito mo na sinabe ko pero nak siya talaga papa mo" wala akong nagawa kundi wag bumitaw kay papa at umiyak ng umiyak ng araw na yun. Sobrang sakit hindi ko alam gagawin ko hanggat pinagpaliban namin yun at natulog kame ni papa.
pag gising ko ako na lang mag isa sa kwarto tinignan ko yung bag ni papa wala na, wala na din ako kasama sa kwarto pumasok si daddy(tunay kong tatay) sinabe niya sakin na " hindi ka kaya makita ng papa mo na umiiyak habang paalis na siya kaya hindi kana lang niya ginising"
Tumakbo ako palabas ng bahay habang mapunta ako sa kalsada at sinisigaw ko pangalan ni papa iyak lang ako ng iyak at wala na akong nagawa ng araw na yun hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap kung bakit to nangyari, anak daw ako ni mama sa pag ka dalaga,
Bago daw pumunta si mama kay papa ko buntis na daw si mama at pag ka panganak sakin umalis na at iniwan ako kay papa(taong kasama ko buong 12 years) at ngayon nandito ako sa Laguna kay daddy(sa totoo kong tatay) sa loob ng 12 years ampon lang pala ako
Siya si papa na nakasama ko buong 12 years at ngayon binibigay niya pa din lahat ng gusto ko na kahit kelan hindi pinaramdam ng totoong tatay ko dito. 6 years kame di nag kita at Dec 24,2019 nag kita na kame hindi sapat ang isang araw pero kailangan na namin mag himawalay.
hanggang ngayon nandito pa din yung sakit sakin, hindi ko pa din nakikita mama ko hanggang ngayon at si papa pa din ang nag bibigay ng lahat ng gusto ko, siya din ang TINUTURING KONG PAPA AT WALA NG MAKAKA TUMBAS SAKANYA❤
Judge meee if you want, pero naging ganto sa sa sobrang sakit ng nangyari sa nakaraan ko. Kung sa pamintaaa ako yung taong durog na durog na.
i will delete this thread soon.
You can follow @aubreyyBautista.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: