IBA'T IBANG URI NG GHOSTING.

a thread;
1 - THE "BRB"

ito yung uri ng ghosting na magb-"brb" sa'yo tas hindi na babalik.

ang ibig sabihin ng "brb" para sa kaniya ay "bye".
2 - THE "BANGUNGOT"

ito naman yung uri ng ghosting na maggo-"goodnight" sa'yo tas hindi na magpaparamdam kinabukasan.

yung mapapasabi ka na lang ng:

"last chat na pala namin 'yun potangina."
3 - THE "DESSERT"

ito naman yung uri ng ghosting na magiging sobrang sweet muna sa'yo bago ka iwan.

ito yung maraming pakilig at banat sa'yo tas bigla kang iiwanan sa ere.
4 - THE "DOLPHIN"

ito naman yung uri ng ghosting na pabalik-balik.

nandiyan siya ngayon, wala siya bukas tas nandiyan ulit sa isa pang bukas.

pasulpot-sulpot, ganon.
5 - THE "GHOST HUMAN"

ito naman yung uri ng ghosting na magbibigay sa'yo ng senyales na iiwan ka niya.

yung onti-onti muna siyang manlalamig at mag-iiba ang pakikitungo sa'yo bago tuluyang hindi magparamdam. ---
--- 6 - THE "GHOST HUMAN 2.0"

ito naman yung uri ng ghosting na walang senyales.

masaya kayong nag-uusap sa moment na 'yun tas after nun, magugulat kang huling pag-uusap ninyo na pala 'yun.

madalas 'to sa "nagpupuyatan" at "inuumaga" sa pag-uusap.
7 - THE "WORRIED GHOST"

ito naman yung uri ng ghosting na "nag-aalalang baka bigla mo siyang i-ghost" pero siya naman 'tong ghoster.

yung nagsabi pa siya ng:

"baka ikaw mo ko eh."
"sana hindi ka mawala."

tas siya naman pala 'tong maglalaho na parang bula.
8 - THE "NEEDY GHOST"

ito naman yung uri ng ghosting na "biglang mawawala tas magpaparamdam 'pag may kailangan".

yung kapag siya kinailangan mo, hindi mo maasahan pero 'pag siya nangailangan, ambilis ng aksyon na mangausap sa'yo.
9 - THE "PRESENT GHOST"

ito naman yung uri ng ghosting na hindi na nagparamdam sa convo ninyo pero nagpaparamdam naman siya sa post/s o tweet/s mo, tamang like o react pa rin siya.

ramdam mo pa rin yung presence niya kahit hindi na kayo nag-uusap.
10 - THE "DEPENDABLE"

ito naman yung uri ng ghosting na magsasabi sa'yo ng:

"nandito ako palagi para sa'yo 'pag kailangan mo ng taong masasandalan."

tas bigla rin namang mawawala.
11 (LAST) - THE "PANGAKO SA'YO"

ito naman yung uri ng ghosting na bibitawan ka ng mga putanginang pangako na mauuwi sa pangmumulto.

yung magsasabi pa siya ng:

"pangako, magsstay ako hanggang dulo."
"pangako, hindi kita iiwan anuman ang mangyari."

tas biglang walang paramdam.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: