STORY TIME! (A Thread)

So ayun ang init so lumabas ako ng bahay namin, pero sa loon parin ng gate. Medyo maliwanag pa naman kaya tine test ko yung pinsan ko kung marunong na ba siya mag basa nang mabilis.

So ayon dahil nga nag babasa edi malamang may hawak kaming libro.
Tapos dumaan tong kapitbahay naming lalaki basta 12 years old siya ang pangalan niya ay di ko na sasabihin kasi baka kulamin niyo by the end of this thread kasi maiinks ka talaga sakanya.
So ayon dumaan siya, di namin siya pinapansin kasi wala naman kasi kaming pake sakanya.

Maya maya sumigaw siya "ay bobo sabi ko na" hindi ko siya pinansin pero bigla siyang lumapit sa gate namin sabay sabing "bobo kayo"

Kung may baril lang ako malamang patay na siyang gago siya
Pero dahil wala akong baril sinagot ko siya "meron ka bang source para masuportahan iyang claim mo?" Sumagot siya ng "bobo nyong dalawa"

Dahil mabait ako sinagot ko sya ng "ang latang walang laman ay maingay. Ang ingay mo masyado, malamang wala kang laman, walang laman utak mo"
Sinagot niya ako "Paano mo naman nasabi na walang laman utak ko, e bobo ka?", "sige try natin, kapag nabigay mo saakin ang value ng pi with kahit 5 decimal places lang ibig sabihin nun may laman utak mo"
Umalis yung bata pagkabalik niya kasama niya na mama niya, edi binati ko "happy mother's day po (lumalaking bastos ang anak mo ate *sa utak q lang to*)", "ano ba nangyari? Nag sumbong to saakin na inaasar niyo daw" sabi ng ina niya
Uhh?
Sinagot ko siya ang sabi ko "ate ang anak mo biglaang sumulpot at sinasabing bobo kami, hindi ko alam ang bakit? Sinabihan ko siya na pabobohan kami at nag tanong ako sakanya ng isang tanong, ang sabi ko pag nasagot niya yun ibig sabihin mas bobo ako."
"Sagot po ang ineexpect ko hindi po nanay na sumusugod hehe"

Ayon umalis.

Bastos ba yung ginawa ko? Ewan basta na tuwa tatay ko kasi yung bata na yun talagang bastos. May time pa nga na sinabihan niya akong "wala ka na bang makain?" Dahil lang bumili ako ng tig pisong sitsirya
You can follow @MoonlightDreaam.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: