Ilang teknikal na isyu ang lumutang kaugnay ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kinausap namin ang ilang digital broadcasting experts upang klaruhin ang mga ito. Panoorin:
Giit ng samahang FICTAP, isang channel lamang ang pwedeng ibroadcast ng ABS-CBN batay sa kanilang franchise na napaso kamakailan. Pero sabi ng dalawang engineer na aming nakausap, hindi channel kundi frequency ang pinaguusapan sa prankisa. 2/6
Dahil sa pagsulong ng digital broadcasting, pwede nang magpalabas ng higit isang channel sa bawat frequency band. Sinusulong mismo ng DICT ang pag transition mula analog to digital broadcast dahil sa mga bentahe nito. 3/6
Ilang kumpanya narin sa Pilipinas ang nagbobroadcast ng multiple programs/channels sa kanilang frequency, kabilang na ang GMA7. Ngunit nang tanungin namin ang NTC tungkol dito, wala pa raw silang pusisyon sa hirit na “one franchise, one channel”. 4/6
Samantala sa memorandum circular ng NTC mula 2014, nakasaad na pinapayagan ang mga otorisadong service provider na gumamit ng “single or multi-program” HDTV/SDTV formats sa kanilang digital service. Ibig sabihin, higit sa isang channel. 5/6
Para sa NTC, naging lehitimong issue ang pay-per-service ng ABS-CBN sa kanilang DTTB. Pero nang tanungin ang kung may exisiting franchise violations ang ABS-CBN, wala raw sa kanilang record. 6/6
You can follow @atomaraullo.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: