Make sure na bago kayo pumasok sa isang relasyon, kilala niyo na yung isa& #39;t isa. Kumbaga, may background ka na sa kanya. Sa mga ginagawa niya sa buhay ganon.
Crush ko siya since June, nalaman niyang may gusto ako sa kanya noong December dahil sa kaibigan ko. I felt happy kasi syempre napansin ako ng crush ko
Then nag start na kaming mag usap second week ng December. Niyaya niya akong magsabay kami umuwi non. Okay naman, eh. Kaso ayaw niyang makita kami ng ibang tao
Ayaw niyang may makaalam na may something kami. Dahil parehas kaming babae. Ayaw niya rin ipaalam sa friend ko na may something kami dahil baka magalit yon
Mentally unstable rin siya. Actually, parehas kami. But we& #39;re different sa pag cope up.
4th week ng December, nag iiba na. I thought ghousted na ako. Yun pala, busy lang siya. Sobrang ikli ng replies. I understand that naman kasi hindi lang sakin umiikot atensyon niya
December 30, sinurprise niya ako. Sabi niya hindi raw siya pupunta sa SC concert pero pupunta pala siya. Well, happy ako non. Pasimple kong hinahawakan kamay niya. HAHA
January. Niyaya ko siya non na may sabay kami pero she said na may emergency and hindi na kami magsasabay. Maaga yung uwi ng section namin non dahil wala kaming last subj. Naghintay ako sa kanya. Pero naghintay lang pala ako sa wala
Sumabay na lang ako sa mga kaibigan ko. Tapos nagulat ako nung nakita ko siya na naglalakad din, with her friends. Lumapit ako non, tinanong ko kung anong problema, kung okay ba siya.
Sadly, tinanggal niya pagkakahawak ko sa braso niya. Okay lang daw. Bukas na kami mag usap. Sobrang lungkot ko non. Hindi ko alam kung anong nagawa ko.
Well, pinabayaan ko na lang yon dahil wala namang kami. Nagtatanong siya non kung pwede bang manligaw pero sinasabi ko na next time na lang. Kasi hindi pa talaga ako ready para sa new relationship.
Nung bago pa lang kaming nag uusap. Lagi niyang sinasabi na gusto niyang magka girlfriend kasi she wanna try the feeling. I don& #39;t think that she& #39;s serious with me that time. And may nalaman din ako na mahilig siyang mang ghost
Pag alam niyang may gusto ka sa kanya, she& #39;ll give some motives. Then charaaan! Byebye na.
Pero syempre tingin ko hindi niya gagawin sa akin yon. Kasi nanliligaw na diba?
Around January naging kami na. Hindi kami tulad ng ibang couple na sweet. I dunno. Parang acquaintance nga lang kami
Feb. Nagkaroon ng problema sa bahay. Sobrang lunod na ako non sa lungkot pero hindi ko kayang ilabas yon dahil sobrang busy rin sa school.
Uwian non at hindi kami magsasabay. Nauna akong lumabas sa kanya. Nung dumating na siya, akala ko lalapit. Nginitian ko siya non. Tapos bigla na lang may sumulpot na lalaki, nagyakapan siya.
Hindi ko na maexplain yung nararamdaman ko non. Sobrang gigil. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba. Nakatingin lang ako non habang nagyayakapan sila. Parang sila nga yung magjowa eh. Hindi na rin siya tumingin non sa side ko. Bila na lang siyang nawala
Hindi ako nag online non. Pagdating lang sa kanto staka ako nag online. Dami niyang chats, nag s-sorry. Iyak na ako ng iyak non. Hindi ko na alam kung saan ko pa isisiksik yung nararamdaman ko sa dami problema ko.
Kaya pala nag sorry kasi nakita ako ng kaibigan niya na nakatingin. Pero kung hindi yon nakita. Siguradong walang sorry na magaganap.
Pinabayaan ko na lang yon. Unfortunately, insensitive siya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang mag post abt past relationships niya
Like, mention niyo mga naging crush ko. Then her friends will comment. Hindi man lang naisip na may jowa & #39;to ah. Bakit ganito siya?
Meron pa sa myday na abt sa ex niya. sinong mas seloso, sinong pasaway. Like, tf. May girlfriend ka!
Meron pa, sabay kaming naglalakad pababa ng ground floor, may tumakbo sa side namin. Tapos yung ex crush niya yon. Then she said na "Huy, bakit ka nagmamadali?" hindi siya pinandin nung guy. Sobrang sama ng loob ko non
May isa pa. Naglalakad kami non pauwi with her friends. Magkaholding hands pa kami. Tapos yung ex crush niya naglalakad sa right side namin. Taena, lingon siya nang lingon don
Like, andito naman ako sa tabi mo? Bakit lingon ka pa ng lingon? Sobrang inis na ako non. Gusto kong umiyak at iwan sila. Kumalas ako non sa hawakan namin ng kamay. Naglakad ako ng mabilis pero hindi lumalayo masyado.
Humabol siya non tapos pinaghawak kamay namin. Ako naman, kinakalas ko.
Natapos ang gabing yon na wala siyang kaalam alam na nasaktan na naman niya ako.
Habang tumatagal. Patagal na rin nang patagal replies niya. Hindi ako nagreklamo kasi i& #39;m trying yo understand her. Pero hindi mo pa rin maalis sa akin na sumama yung loob ko
Inaabot ng oras bago siya mag reply. Pag nag uusap naman kami, lagi niyang tinatapos agad. Mag papaalam siya na manunuod muna o kaya naman maglalaro. Nung una okay lang ako nang okay.
Pero one time nag inarte ako. Sabi ko nagtatampo na ako sa ganon. Nag sorry siya, sabi niya hindi na muna siya manunuod, mag usap muna kami. Pero wala ring nangyari. Sobrang bagal ng reply niya parang napipilitan lang.
Simula non hindi na ako nag inarte. Ayaw ko naman na ganon. Yung pilit lang yung pakikipag usap sakin.
Hanggang ngayon ganon pa rin kami. Sinabi ko na sa kanya na na nasasaktan na ako sa sitwasyon namin. Sabi niya magbabago na siya, babawi raw siya sa pasukan. Grabe, pasukan pa. Sobrang tagal. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ng ganito kami
Last week lang. Nag usap kami. Sinabi ko ulit yung problema. Yung halos hindi na kami mag usap. Pero sabi ko naiintindihan ko naman. Totoo yon, pero hindi lahat ng naiintindihan mo, tanggap mo
Nagalit siya non. Naiintindihan ko naman pala, eh. Bakit ganon? Bakit nag iinarte pa ako? Sobrang sakit non nung nabasa ko yon. Ang hirap umintindi sa taong hindi naiintindihan yung sitwasyon niyo
Sabi niya, eto na lang yung chance para magawa niya yung mga gusto niyang gawin. Na parang tinatanggalan ko siya ng kalayaan sa mga gagawin niya
Bawal ba akong magsabi ng nararamdaman ko? Ininstall ko na yung lintek na ml na yan para masabayan siya. Pero sobrang bobo ko maglaro ka wala ring nangyayare.
nainsulto pa ako
Hirap na hirap na ako. Parang hindi niya iniisip yung mararamdaman ko.
Sa sobrang martir ko, hinihintay ko na lang siyang mag chat. Kung kailan niya ako gustong kausapin. Hindi na ako nangulit. Wala rin kasing mangyayare..
Meron pa na iniiwasan ko na rin mag online para hindi ko ma feel na hindi ako mahalaga. Yung chats niya, laging after 1 hr. Tinry kong magpamiss pero walang epekto kasi hindi niya rin naman napansin na offline ako dahil busy siya kakalaro
Meron pang 3 oras bago siya nag reply.
Hinayaan ko siyang ganon. Kasi siya rin nagagalit pag nakialam ako.
Hindi ko na alam gagawin ko. Awang awa na ako sa sarili ko. Halos hindi na kami mag usap.
Sa tuwing may hindi kami pagkakaintindihan, napapasok yung mental health niya. Sasabihin niyang kasalanan niya, magbabago siya, ang useless niya, babawi siya, pero wala namang nangyayari
I& #39;ll end up saying sorry dahil sa nasasaktan ako
na sirang sira na ako pero hindi niya napapansin. Sarili niya lang.
U kno, ang hirap kapag hindi niyo pa kilala ang isa& #39;t isa. You& #39;ll end up regretting things. Hurtingg ur self in ur own doing
You can follow @iluvCupid.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: