Attending QED's 3rd Annivesary Event and meeting my fave writer for the first time

A thread
Hi, I'm a PLayer from Bicol and it's been exactly a year since I attended the 3rd Anniversary of QED.
Ginanap yung event ng April 27, 2019 sa KFC Quezon Avenu 2, Quezon City at nasa Quezon na kami nun ng mga April 20 ata.

Nag-aya kase ang kapatid ko na nasa Quezon na mag-bakasyon doon kase magb-birthday siya at gusto niya kaming makasama.
Bago pa man kami bumyahe ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko kung pwede akong dumalo sa event ng QED, tinanong ko pa nga noon si ate kung malapit lang sa tinirhan niya yung KFC na gaganapan at sabi niya oo.
Kaya naman pinayagan nila ako, sasamahan daw ako ni papa papunta roon
Gabi ng April 26, 2019 ay excited na excited na ako. Grabe rin yung kabog ng puso ko kapag iniisip ko na makaka-meet na ako ng writer for the first time at yung writer pa na iyon ay ang hinahangaan ko.
Umaga ng April 27, 2019. Hayst kung excited na excited ako nung gabi aba mas lalo akong na-excite nung araw na 'yon. Lumabas ako ng kwarto ng pigil-pigil yung ngiti at kilig, ayoko kaseng ipahalata kila mama yung excitement ko.
Naunahan pa ako ni papa, siya nakaligo na at kumakain samantalang ako kakagising pa lang. Excited din ata si papa hahaha.
Kaonti lang yung nakain kong umagahan at hindi na ako mapakali noon, excited na excited na talaga ako.
Pero badtrip lang kase maling KFC yung napuntahan namin. Pinuntahan ko ulit yung GP ng QED para tingnan yung place na gaganapan. Kaya ayun napagastos kami ng doble sa taxi. Kinabahan talaga ako nung mali ang nababaan namin kase baka maligaw kami.
Nung sumakay na kami sa pangalawang taxi ay sinabi ni papa sa driver na puntahan lahat ng KFC sa lugar na iyon, ako naman ay patingin-tingin na noon sa labas baka sakaling makita na yung KFC na nasa pic na ni-post ng co-PLayer sa GP.
Buti na nga at nahagip ko na yung KFC nasa kabilang kalsada kami kaya kinailangan pang mag-u turn. Nang makapasok na kami sa KFC ay pinagpawisan ako ng malamig. Nandito na ako sa wakas, makaka-meet na rin ako ng kapwa PLayer at mapipirmahan na rin yung mga binili kong books.
Nagtanong ako sa staff ng KFC kung saan yung event tas tinuro niya yung hagdan na may harang kaya nagpaalam na ako nun kay papa na pupunta na ako sa taas. Pero syemprw nanghingi ako ng pera para sa ambayad ko sa event.
Nakaramdam ako ng hiya ng makita kong madami na ang mga tao sa taas. Wala akong kasama kaya parang feeling ko loner ako. Hindi ako marunong makipag-socialize eh hehehe.
Tinanong ko yung mga tao sa table na malapit sa hagdan kung saan magrere-gister para sa event, pero sabi nila mamaya pa. Aalis na sana ako para umupo doon sa may salamin pero pinigilan nila ako at pinaupo sa bakanteng upuan katabi nung isang babae.
Hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila pero tinanong nila ako kung ano pangalan ko at kung anong house ako kabilang. Houseless ako nung time na iyon at yung katabi ko is houseless din pala.
Minutes later ay pinapila na kami sa may glass door para makapag-register, dalawa yung linya, para sa nakapag-register na thru online at kaming mga walk-ins. Ka-chat ko noon yung pinsan ko kase kinakabahan na ako noon. Then I saw Kuya Cris through the glass wall.
Pinigilan ko nun na ngumiti kase madaming tao baka sabihin nilang timang ako. Kaya sinabi ko yun sa ka-chat ko para naman mailabas ko yung excitement ko.
Nung turn ko na para maka-register binigyan na nila ako ng mga event souvenirs. At yung gustong-gusto ko talaga makuha, yung QED pin wahhh! limited lang kase yung pin na iyon. Pinasulat naman sa akin yung pangalan ko sa tape, nametag daw.
Nilagyan nila ng QED symbol yung kanang kamay ko bago pinapasok. Inalalayan ako ng mga QED staff sa table ko. May mga tao ng nakaupo roon at ayun tinanong nila ako about my name ,house at kung taga-saan daw ako.
Gulat nga sila ng sabihin kong taga-Bicol ako. Tinanong pa nga nila ako kung pumunta ako sa Quezon para sa Anniversary event na iyon, sabi ko hindi, nagbabakasyon kase kami.
Nasa unahan na noon si Kuya Cris at nagsasalita. Paminsan-minsan akong tumutingin sa gawi niya kase ka-chat ko pa pinsan ko. Nakikita ko na sa personal si Kuya Cris at naririnig pa, at hindi na sa video o pic.
Nagsimula na ang palaro at pumipili na noon si Kuya Cris ng mga representative from each houses. At nung naghahanap na siya ng para sa houseless ay tinuro ako ng mga ka-table ko habang tinatawag si Kuya Cris.
Grabe yung kabog ng puso ko dahil sa pinagggagawa ng mga ka-table ko, pinipigilan ko sila pero madami sila. Pero nyetay lumapit sa amin si Kuya Crissss. Todo tanggi talaga ako kase kinakabahan na ako pero nung talagang wala na ay pumunta na ako sa unahan.
Napili rin yung isang ka-table kong lalaki na houseless din, sabi pa nga niya ay kasalanan ko daw kung ba't siya napili(pa-joke niyang sinabi). Napatawa na ng lang ako sa sinabi niya.
Nang makumpleto na ang mga manlalaro ay pinalapit kami ni Kuya Cris at nag-form bilog. Katabi ko nun si Kuya Cris iihhh! Hindi ako makatingin kay Kuya Cris habang nag-eexplain siya tungkol sa laro. Kinakabahan at nahihiya kase ako.
Guess what? Game of General daw ang lalaruin at una ako sa maglalaro nun. Sheems 'di ako nun marunong huhuhu. Napamura nga ako nun ng mahina.
Nag-search ako kung paano iyon laruin at yung mga role ng pieces ng GoG pero tinwag na kami kase maglalaro na raw. Nape-pressure na ako at pinagpapawisan na ng malamig, kalaban ko pala noon yung ka-table ko hahaha.
Ni-explain naman sa amin kung paano laruin iyon. White ang mga pieces ko at grabe ang panginginig ng kamay ko habang ina-arrange yung mga pieces ko. Pero dahil nga hindi ako magaling at first tine kong maglaro nun ay natalo ako 'tsaka may experince na rin yung kalaban ko sa laro
We shaked hands as a sign of sportsmanship. Dali-dali naman akong bumalik sa table ko para kumuha ng pera pambili ng Project Loki V3 na libro. Bumili na rin ako ng Loki chibi keychain, ang cute-cute kase ng crush ko hehehe.
After ng ilang games ay dumating na yung mga pagkain, habang kumakain ay may nagpe-perform sa unahan, ang cute niya nga eh.
After kumain ay palaro ulit. Longest line raw at sa pangalawang pagkakataon ay napili na naman ako as a representative ng houseless.
Natalo ako dahil sa tanong na, "Anong buwan ang mga 31 days?" And sabi ko November, aish nakakahiya pero okay lang iyon at least nakasagot ako sa math category hahaha. Isang QED pen ang consolation price ko, ang gondo niyaaa.
Nag-ready na kami ni Ate Irish(ka-table ko) para magpapirma na ng mga books namin pero sabi raw by table kaya bumalik kami. Hayst pang-huli pa naman kami.
At long last nasa pila na kami ni Ate. Buti nga at natapos agad yung group picture niya kasama ng ka-house member niya kase siya na ang sunod na magpapapirma.
Nung turn ko na ay naupo na ako sa tabi ni Kuya Cris. Tinanong niya ulit pangalan ko at kinausta ako sa paglaro ng GoG, sinabi ko naman yung pangalan ko at sinagot kong okay lang yung game, shemay yung boses ko po ang hina aishh. Sorry naman kinakabahan lang naman.
Ikaw ba naman makatabi ang idol mo hindi ka ba kakabahan? Pinipirmahan niya yung unang libro at ni-check niya ulit yung spelling ng pangalan ko. Pasulyap-sulyap lang ako kay Kuya Cris habang pinipirmahan yung mga libro.
Nang matapos niyang mapirmahan yung last na libro ay ibingay ko yung maliit na board paper na may pangalan niya para papirmahan din pero pipicturan na kami nung staff so hindi niya muna napirmahan kay hinawakan niya muna.
I smiled as the staff took pictures of me and my idol using my mother's cellphone( hiniram ko lang yung cp niya hehehe)
After he signed the thing I made, I said my thanks though 'di ko alam kung narinig iyon ni Kuya Cris, madami pa kase siyang pipirmahan at madami pa yung nakalinyang mga PLayers.
I did not get the chance to bid goodbyes to my tablemates at doon sa babaeng kinamusta ako. Kase naman bumaba na noon si papa kaya sumunod na ako. (nasa may railings kase siya nung mga oras na iyon, nakikita ng siya sa pic namin ni Kuya Cris eh hahaha.)
Mga 3 na ng hapon noon kaya naman paglabas namin ay talagang sobrang init. Habang naghihitay ng taxi ay kinuhanan ko ng litrato ang KFC.
And doon natapos ang araw. Hayst ang saya nung araw na iyon, 'di ko akalain na nakapunta ako sa isang event ni Kuya Cris at nakita siya.
April 27, 2019 is one of the most memorable day of my life. Nasa petsa na iyan ang ilan sa mga first ko.
1st time na makapunta sa isang event ni Kuya Cris.
1st time na makapaglaro ng GoG
1st meeting with my co-PLayers
1st meeting with a writer namely @AkoSiIbarraWP
Hayst sana makapunta ulit ako sa BS o ano mang event ni Kuya Cris.

-End of thread-
You can follow @Dweinyx.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: