Glow up.
A thread. 😬

Medyo hesitant pako gawin to pero sige. Simulan natin.
Yung bnw na pic is me 1 and 1/2 year ago tapos yung isa naman, latest lang. 😊
Hindi to tungkol sa kung anong products or sabon ang ginamit ko. Kasi minsan talaga nasa loob ang problema.

Alam mo yung nasa utak at puso.
2018&2018 was really hard for me. Magulo, malabo. Walang permanenteng tao sa tabi mo. Walang nakakaintindi sa nararamdaman mo. Pakiramdam mo mali lahat ng ginagawa mo, pakiramdam mo walang may gustong makasama ka. Ang sakit non. Ang hirap labanan mag- isa.
May mga taong nanjan sa tabi ko? Oo naman. Pero nung mga panahon na yun. Mas pinipili kong mag-isa kasi iniisip ko pabigat ako sakanila. Or minsan naiinggit ako kasi ...
Yung makiramdam na walang may favorite sayo. palaging 2nd best. 2nd option. Pero ganon talaga buhay. Dadating din naman na tayo din ang pipiliin. diba?
Nakakaiyak pala gawin to hahahahahaahhaahaha
Nakakagawa ka ng mga desisyon na akala mo mas mapapabuti ka pero hindi pala. Minsan nag hahanap ka ng taong makakaintindi at tutulong sayo pero wala kang mahanap. Kasi ang totoo, dapat ikaw ang mag salba sa sarili mo. 😊
Halos hindi ka makatulog kakaisip " anong kulang sakin?" " anong sobra?"
Minsan gusto mo nalang tapusin yunh buhay kasi parang ayaw ka nyang maging masaya.
Dumating yung pinaka madilim na pangyayare sa buhay ko. Gusto ko nalang tapusin yung buhay ko. Pero hindi pwede kailangan kong lagpasan kahit na ako lang mag-isa.
Mahirap kasi kahit yung mga taong inaasahan mong mas makakaintindi sayo hindi ka nila maiintindihan. Pero syempre laban, kahit maliit na proseso. Okay lang yun! Basta nakakausad. Yun naman ang mahalaga diba?
Sa tulong sarili mong paniniwala sa kakayahan mo ay ng nga tamang tao sa paligid mo. Kakayanin mong malagpasan lahat yun. 💗
Marami man ang hindi naniniwala na kaya mo. Basta ikaw sa sarili mo, naniniwala ka. Malalagpasan mo ang demonyong pumapatay sa kasiyahan mo. 😊
Ako ngayon, hindi pako sobrang healed. Pero alam kong dadating din yung araw na lahat ng takot, sakit, at lahat lahat ng pangit na nangyare sa nakaraan ay maghihilom din. 😊
Salamat sa mga taong umabot dito. at sa mga taong nasa likod ko mula nung una. Mahal ko kayo. At ikaw, Kung may bumabagabag sa loob mo. Hindi man ngayon, alam kong kakayanin mong lagpasan yan. Ikaw pa! 💗😊
Simulan mong ayusin ang nasa loob na nasira. Kasi nandon ang tunay na glow up. 😊 Titibay din yang puso mo. Kaya mo yan. 💗
You can follow @IsabellaNcl_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: