Bigla akong nakaramdam ng anxiety.
Nakaupo ako sa workspace ko, nagsusulat ng talking points para sa vlog nang bigla akong nanghina. Out of nowhere biglang uminit yung leeg ko, tiyan, hita. Tapos parang nilamig ako. Pamilyar yung ganitong pakiramdam kasi lagi ko 'tong nararanasan.
So humiga ako. Tahimik lang ako. Dahan-dahan. Sa utak ko, parang may sumisigaw (subconscious mind) na "gusto kong mag-isa"

Alam ko na yung gagawin sa ganito. Sabi ko nga, lagi to nangyayari. Alam ko na ang trigger dati:

Kapag gutom, kapag matagal nakahiga, kapag puyat.
Malaking trigger din ang pagscroll sa social media. Kapag nakakakita ako ng something tapos naiinggit ako. Bigla akong kakabahan. Don't know why. Tapos aalisin ko na yung phone ko sa harap.

Tapos lagi kong dinedelete yung socmed apps ko sa phone. Seryoso.
Tapos kinuha ko yung journal ko, tapos sinulat ko lahat ng nasa utak ko. Kanina lang actually tapos gusto ko sana delete tong twitter app ko pero bigla akong napatype ng "bigla akong nakaramdam ng anxiety" pero binura ko agad. Then after ilang sandali, tinype ko ulit then tweet.
Ewan ko bakit ko to nararamdaman. New normal ko na to siguro. Kinakabahan ako. Nanghihina. Tapos lahat na ng worries na matagal nang wala sa utak ko, bumalik. Nasusuka ako. Gusto kong magrestart ang lahat. Ewan.
Pero ito ang outlet ko. Nagsusulat ako, nagtutweet, nagpopost ng nararamdaman... pero at the back of my head, babalik yung worries: mundo, yung taong di ka gusto, yung hindi mo alam kung ano na ang gagawin mo. Yung UNCERTAINTY.
Naguguluhan ako actually. Pero as I was typing this thread unti-unting kumakalma ang sarili ko. Sinabayan ko ng inhale and exhale. Aaralin ko na ulit tong nararamdaman ko.
Update: Okay na ulit ako. â˜ș
You can follow @akoposimarcelo.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: