takot nga ba sa commitment o sadyang hindi lang seryoso?

a thread;
nandun kayo sa point na meron kayong nararamdaman para sa isa't isa.

gusto mo siya, gusto ka niya. pero hindi niyo pa masiguro kung ano kayo.

may feelings lang, walang label.
pero sapat na ba yung "nagkaaminan" lang para mag-settle agad sa ganyang pagsasamahan?

"M.U." , "Fling" o anuman ang itawag ninyo.
bakit kayo nag-settle sa ganyang alam mong "malabo"?

nakaramdam lang kayo ng "kilig" , "saya" o "kakaibang tuwa" sa feeling, pakiramdam ninyo ay dapat ng maging "more than friends" ang status ninyo?

sigurado ka na ba? sigurado na ba siya? ---
--- porket ba naging "caring" o "concern", tingin mo sincere yung pag-aalala niya sa'yo?

porket ba lagi kang inaapproach, kinakausap o kinukulit, tingin mo ay "totoong" gusto ka na niya?
ang mahirap kasi sa'yo, nagpadala ka sa "words" na binibitaw niya sa'yo without knowing na behind those words, nakatago yung totoong purpose nung tao sa'yo. ---
--- masyado kang na-carried away sa "excitement" na nadama mo, sa "mutual feelings".

pero "mutual" nga ba? sa aminan, oo.

pero sa intention at motibo, mutual rin ba? ---
--- umamin nga sa'yo pero may assurance ka bang hindi ka iiwan ng tao? nakakasiguro ka bang "sigurado" talaga sa'yo?

nasilaw ka kasi sa pinaramdam at pinakita.
nagsstay ba talaga siya sa'yo o nagsstay lang siya sa "masaya kayo sa isa't isa" feeling?
"mahirap magstay sa walang kasiguraduhan."

maaaring ngayon, gusto ninyo ang isa't isa. pero bukas, ikaw na lang pala ang may gusto.
mahirap din yung "feelings" lang ang hawak mo, hindi yung tao.

kasi 'pag nawala, wala kang laban.
bakit kayo magsstay sa "M.U." kung pwede namang maging "kayo officially"?

"takot kasi ako sa commitment"
takot sa commitment pero ang lakas humarot o lumandi?

takot ka pala eh pero bakit kayo nag-sstay kayo sa ganyang setup?
takot ka ba talaga sa commitment o sadyang ayaw mo lang?

ayaw mo lang kasi hindi ka naman talaga sigurado at seryoso?
parang sinabi mo na rin na "hindi mo talaga gusto" yung tao, gusto mo lang yung feeling everytime you're talking or being with that person.
HINDI KA TAKOT SA COMMITMENT, SADYANG MAKASARILI KA LANG.

HINDI KA MAKA-COMMIT SA TAONG 'YUN KASI HINDI KA SERYOSO SA PINAPARAMDAM MO.
Oo, may times na "natatakot ka" because of studies, family or personal reason.

pero kung totoong ganon naman pala yung rason mo, sana huwag na rin mag-settle sa "walang label" kind of relationship, diba?
sana huwag ng magsettle sa "masarap sa feeling" kind of relationship.
tapos ano? kapag nagsawa ka? bigla mo na lang iiwanan?

kasi sa tingin mo? porket walang kayo? wala ng sakit na maidudulot?
tandaan mo label lang wala pero may feelings involve, kaya masakit pa rin sa part niya.

huwag kang makasarili.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: