Okay ka na talaga, akala mo lang hindi pa.

A thread.
Dati kapag nagkekwento ka kung gaano ka nasaktan, umiiyak ka pa. Palagi mong sinasabi hindi mo na kaya. Pero ngayon, kapag nagkekwento ka kung gaano ka nasaktan noon, napapangiti ka na lang. Kasi nalampasan mo 'yung araw na akala mo katapusan mo na.
Dati kapag naririnig mo pangalan niya, naluluha ka pa. Sobrang apektado ka. Pero ngayon kapag nababanggit nila 'yung pangalan niya, wala ng epekto sa'yo. Para bang ordinaryong pangalan na lang 'yung pangalan niya sa pandinig mo.
Dati kapag nakikita mo siya, nanlalambot ka pa. Gusto mong magtago kasi ayaw mong makita niya kung gaano ka kahina kapag nakikita mo siya. Pero ngayon, kapag nakakasalubong mo siya, dinadaan-daanan mo na lang siya. Minsan nga nginingitian mo pa.
Dati paulit-ulit mong sinasabi ano bang mali sa'yo. Saan ka ba nagkulang. Pero ngayon, natatawa ka na lang kasi alam mo na sa sarili mo na wala sa'yo 'yung diperensya. Sinayang ka niya.
Dati hinihintay mo 'yung pagbalik niya. Umaasa ka na maaayos niyo pang dalawa. Pero ngayon, hindi ka na interesado sa kanya. Kasi tanggap mo na.
Hindi mo namamalayan, okay ka na pala talaga. Nasanay ka lang talaga na hindi ka okay.
Busy ka kasing lumaban para sa sarili mo. Sa sobrang busy mo, di mo namamalayan nag-eenjoy ka na pala sa ginagawa mo. 'Yung mahalin 'yung sarili mo.
You can follow @TianaVianne.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: