a thread...
i am contemplating, madalas napapaisip ako parang suko na ako sa vlogging...parang malas ako sa youtube. pero pag naiisip ko ang mga effect nito sa akin, napapangiti ako kasi mag seseven months na akong nag ba vlog pero eto parin ako busy parin kahit kulelat...
..sa mga nakakakilala sa akin, sobrang toxic ko na tao, dahil laging nagkakasakit at sobrang nega laging inaatake sa tyan at ng panic... madaling madepress at madali ring magtampo...

pero nitong huling mga buwan...napagtanto ko na malaki na pala pinagbago ko...
...nitong huli...lagi na akong busy at di ko namamalayan nakakaya ko ng iwasan ang mag panic attack....

dahil sa sobrang daming gagawin halos wala na akong time kahit ang makinig sa sariling hinaing

pagod man ako o may iniindang sakit...di na ako gaanong nalulugmok gaya dati..
ang laking tulong ng pag ba-vlog ko sa aking sakit...

araw araw may nilolook forward akong mga gawain..
may excitement na nabubuo lalo na pag may movement ang bawat count ng subscribers at watch hours ko.

may nakakasalamuha rin akong tao online..at sobrang pinagpapasalamat ko
araw araw,,, di na ako nalulungkot na walang madaming subscribers ang channel ko, di narin ako atat tumingin sa watch hours ko.,, ipinapagsa Diyos ko nlang ang lahat, ang importante masaya ako at natutulungan ako ng ginagawa ko, lagi na akong masaya,., wala na akong time awayin..
...wala na akong time awayin ang asawa ko...hehehe...
totoo...kasi wala ng space ang nega thoughts ko...
tumaba na ang asawa ko dahil hindi na sya stress sa akin...
pati mga anak ko, di ko na laging pinapagalitan, mas nakikinig nalang ako ngayon at nagtitiwala sa kanila...
ngayon ang iniisip ko...di man ako palarin bilang youtuber, o vlogger...di parin ako hihinto...

di natin alam anong hatid ng bukas sa atin..kaya patuloy lang mangarap...habang may buhay may pag-asa.
Hanggat may internet at camera ako...mag ba vlog ako...di ako titigil...

end of thread....
You can follow @unseensacrifice.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: